Thursday, October 2, 2014

Manila Bay

Sadyang napakaitim talaga ng tubig sa Manila Bay, kahit naman noong bata pa ako kapag kami ay nagagawi sa Roxas Boulevard eh talagang maitim na ito. Ang pagkakaiba lang ngayon ay may halo na syang basura.


Ngayong taon ang huling pasyal ko sa Manila Bay at mukha namang wala gaanong lumulutang na basura, pero sabi ng nakausap ko, eh nalubog daw sa ilalaim at kapag my bagyo eto ay hinahampas ng alon papaitaas at minsan naitatapon pabalik sa pampang. Ang pinagtataka ko lang sa mga taong nakatira sa Manila eh bakit hindi sila marunong magtapon ng mga kanilang basura sa tamang lugar, ung iba iwas pusoy naman at my binabayaran daw sila para itapon ang kanilang mga basura, pero sa tingin ko responsibilidad parin nilang malaman kung saan tinatapon ang mga basura nila.

Thursday, September 18, 2014

How to Apply Terminal Fee Refund for OFW's

How to Get Terminal Fee Refund if your are OFW

Filipino's working abroad are currently exempted from paying terminal fee's but starting October 1, 2014 all airlines flying to and from Manila or Ninoy Aquino International Airport agreed to consolidate the fee into air tickets.

The Airport authorities have facilitated a refund procedure for OFW's and other exempted passengers such as national athletes traveling from international competition.

Refund counters are located right after immigration counters (on departure date) or at MIAA Administration Building, NAIA complex, Pasay City.

Procedure for Passengers Claiming on Day of Departure:

1. On Departure date exempted travellers will have to submit the following:
  • Copy of Passenger Ticket
  • Itinerary receipt / official receipt
  • Invoice showing "Payment for Terminal Fee" with code "LI International"
2. Surrender OEC for OFW's (Airport Copy)
3. Present Boarding pass for Inspection

Procedure for Passengers or Authorized Representative Claiming at MIAA Administration Building after Departure Date.

1. Present the following:
  • IPSC Refund Declaration as shown
 
  • Copy of Passenger's ticket, itinerary receipt, official receipt or invoice showing "Payment for Terminal Fee" with code "LI International"
  • Show original boarding pass and submit a copy. Without original boarding pass, any of the following can be submitted:
- Presentation of passport showing the passenger's identity and date of departure OR
- Certificate from the Air Carrier for the departure date of the passenger/s.

If Claiming Refund through a Representative:

1. On Departure date, exempted travellers will have to submit the following:
  • Copy of passenger ticket
  • Itinerary receipt / official receipt
  • Invoice showing "Paymenr for Terminal Fee" with code "LI International"
2. Surrender OEC for OFWs (Airport Copy)
3. Boarding Pass
4. Valid government ID with photograph of the authorized representative.

Source: pinoy-ofw.com

Tuesday, September 16, 2014

Cebu Pacific Promo Fairs (Middle East, Kuwait, Saudi, UAE)

Malaking ginhawa talaga sa mga OFW's ang pagkakaroon ng sariling nating eroplano na lumilipad sa gitnang silangan, hindi lang mas madalas makauwi kundi madalas nadin makita natin ang ating mga pamilya, lalo na kapag holiday sa middle east ay pwedeng samantalahin ng mga kababayan ang paguwi.
Bilang isang OFW gusto ko ibahagi at ipaliwanag nading sa mga kababayan na 2 airlines napo ang meron dito sa middle east na magbibigay ng magandang serbisyo at maghahatid at magsusundo satin sa pinas, eto po ay ang Philippine Airlines at Cebu Pacific. Ang PAL po ay matagal na nagumpisa last year pa, pero meron parin po silang mga light fairs kapag ikaw ay magbobook ng at least 6 months before the flight schedule mo. Hindi po ito malaking promo ngunit mas mababa sa mga presyo ng ibang airlines.
Ang pinaka mainit dito ngayon sa Saudi ay ang promo fairs ng Cebu Pacific na naguumpisa sa piso or 1SR(One Saudi Riyals) one way. ex. Dammam-Manila or Riyadh-Manila Trip or pabalik.
Ang gusto ko pang ipaintindi sa mga kabayan na hindi porket piso or 1 riyal ang pamasahe eh ganon lang ang rate nababayaran nyo, eto po ay ang base fair lang. Ibig sabihin my other charges tulad ng tax, fuel charge, meal charge, seat charges, admin fee and others.
Ngunit kapag pinagsama po ang lahat ng additional charges eh mas mababa padin po ito kesa sa ibang airlines. Ang suma total ok padin po para sa ating mga ofw's ito. Sa larawan po ay makikita ninyo ang aking pre-flight purchase ay naka summuarize ang mga charges. Ang total ng babayaran ay mas mura parin kumpara mo sa ibang airlines
Sa senaryo ng larawan gumawa ako ng pre flight booking from dammam to manila gamit ang kanilang promo fair offer na 99sr(As advertise). Tama ang kanilang offer pero on the process my mga charges din, ito ay flexible kung gusto nyong mas mababa ang total price, pwede ninyong alisin ang meal (Kun ayay nyo kumain sa byahe na 9hr) 2 meals naman yan pwede nyo bawasan ng isa, pero syempre pagkumakain ang katabi mo at maamoy mo ung cornbeef gugutumin ka kaya mas mainan na my pagkain ka or magbaon nalang, ganon din ang seat reservation, kung ikaw ay maselan sa mga upu-an mas lalo na ung mga pamilya mas maigi na bumili ng upuan, ung baggage allowance ay flexible din mas mababang baggage kilo ay mas mababa din na presyo sa aking senaryo pinili ko ang 20kg, ung taxes ang fees, syempre maliwanag naman yan usual sa lahat basta pinas product.
Sa mga gusto po icompare ang kung saan ang inyong destinasyon, ang babaguhin nyo lang po sa computation sa baba ay ang base fare (e.g. promo fairs 1peso or 99sr)
Ang hindi ko lang maintindihan meron ibang mga kababayan na hindi makontento, kesyo daw luma ang eroplano, hindi daw makakaabot, maliit daw ang ailes ng eroplano at mga upu-an, di daw masarap ang mga pagkain, minsan naiisip ko na naghahanap lang talaga ng dahilan ang mga pinoy o para makapagkwento at makasira ng sariling kanilang produkto, (crab mentality). Ang explenasyon ko po ay ganit, lahat po ng eroplano na pinapalipad internationally ay my permit at approved /tested gn international aviation authority, sa ating mga eroplano (Cebu or PAL) ang pagkakaalam ko ay mga bagong airbus A330, para po sa inyong kaalaman eto din po ang eroplanong ginagamit ng gulf air, cathay, klm, singapore air at marami pang iba para sa international flights. Ung tungkol naman sa ailes o daanan, lahat po ito ay standard at approved din ng internation aviation authority (for safety purposes). Ung tungkol naman po sa meal, ito po ay sapat lang at standard menu from internation airline catering. Ung sa mga nagrereklamo naman po tungkol sa entertainment, sana po maintindihan natin na economy class ang ticket natin, ung sa business class pwede pang magcomplain, pero kung economy ka, ung mga additional entertainment features ay additional nalang po yon.

Monday, September 15, 2014

Ilog sa Probinsya

Napakagandang tanawin, maliwanag, magandang simoy ng hangin at higit sa lahat ay walang amoy na mabaho. Ganito ang mga ilog sa probinsya, malinaw kitang kita lahay, pwede mangisda at walang squatters sa gilig ng ilog.


Ang pinagtataka ko, eh magaan naman ang buhay sa probinsya pero ang mga tao ang nakikipagisksikan at nagtitiis sa mabahong amoy sa maynila. Siguro kung doon ka nagtatrabaho eh ok lang, pero kung hindi ka naman doon nagtatrabaho mas maigi pa sa probinsya nalang, kahit na walang pera ay mabubuhay ang mga tao.

Inaamin ko, nagpunta din ako ng maynila para magtrabaho, nagkaroon naman agad ako ng trabaho, pero kung isusuma total mo eh parang lugi parin ako sa sinasahod ko, dahil maraming gastos sa pamasahe at mahal na presyo ng pagkain sa maynila, kaya nagpursige ako bumalik sa probinsya upang doon nalang magtrabaho, nakahanap din naman ako ng trabaho sa probinsya, kahil maliit ang sweldo masaya at komportable ako, wala kang iisipin na utang o di kaya sa pagkain ng masustansya. Ngayon nasa abroad ako nang dahil nadin sa trabaho ko sa probinsya noon, mismo ang mga kompanya sa ibang bansa ay nagpupunta sa mga probinsya sa pilipinas upang maghanap ng trabahador, kung ikaw ay nasa manila sigurado pupunta kapa sa agency para maghanap ng trabaho at syempre katakot takot na placement fee.

Wednesday, September 3, 2014

Conversion of Foreign License to Philippine Professional Driver's License

Ayon sa LTO (lto.gov.ph) ay kung meron po tayong lisensya sa ibang bansa (foreign license) ay magagamit natin ito sa Pilipinas within 90 Days.

Ngunit pwede din natin ipaconvert ang foreign lisence natin sa Philippine Professional License, ayon po sa LTO (lto.gov.ph) ang halaga ay Pesos 625.26

Requirements for Conversion of Foreign License to Philippine Professional License (lto.gov.ph)

  1. Original and one (1) photocopy of valid/expired foreign license. If the foreign driver's license is not  in English Language, the applicant should submit an official english translation from the local embassy of the issuing country.
  2. Original machine copy of valid passport showing the latest date of arrival in the Philippines of the foreign applicant.
  3. Original and machine copy of valid visa or alien certificate or registration if the foreign applicant temporarily resides in the Philippines.
  4. Original copy of Medical certificate with offical receipt issued by an LTO accredited or government physician.
  5. Negative drug test result issued by DOH accredited drug testing center or government hospitals.
  6. Duly accomplished application for driver's license form.
  7. Taxpayer's identification number (TIN)(In compliance to executive order 98 & MC No. ACL-2009-1251)
  8. Police or NBI or Fiscal Clearance and working permit or certification of exemption from DOLE.
  9. Must have passed the written and practical examinations.
Procedures:
  1. Proceed to the Customer Services Counter to get your checklist of requirements and secure a Driver's License Application Form. (This form is available to download at lto.gov.ph. You can accomplish this form prior to transacting your business at the LTO). Get queue number and wait for your number to be called.
  2. When your number is called, proceed to evaluator counter and submit all the required documents and have it checked for completeness and authenticity.
  3. Proceed to the photo taking/signature area to have your picture and signature taken when your name is called.
  4. Proceed to the cashier when your name is called to pay the application fee.
  5. Proceed to the examination room for the lecture and written exam.
  6. After passing the written examination, wait for your name to be called for the practical exam.
  7. After passing the practical examination, proceed to the cashier when your name is called for payment necessary fees and obtain an official receipt.
  8. Proceed to the releasing counter, present the official receipt and claim the card type license.

Monday, September 1, 2014

Manila Airport Airlines List (Where is my Airport in Manila)

Kinumpleto ko itong listahan na ito para sa mga katulad kong OFW's na nalilito kung saan ba talaga lalanding ang eroplanong sasakyan ko at kung saang airport ako pupunta at dadating kung domestic ang flight ko.

Manila Airport / NAIA Airline List - Guide to OFWs
(List Update as of September 1, 2014)



Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1
(A.K.A MIA)
  • Air China
  • Asiana Airlines
  • China Airlines
  • Eva Air
  • Hawaiian Airlines
  • Jeju Air
  • Malaysia Airlines
  • Qatar Airways
  • Saudi Arabian Airlines
  • Thai Airways
  • United Airlines
  • Air Niugini
  • China Southern
  • Dragon Air
  • Gulf Air
  • Japan Airlines
  • Jetstar
  • Korean Air
  • Qantas
  • Royal Brunei
  • Tiger Airways (International Flights)

Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2
(AKA Centennial / PAL Terminal)

Philippine Airlines
  1. All International Departures and Arrival
  2. Domestic Departures and Arrivals from/to Only:
  • Bacolod
  • Cebu
  • Davao
  • General Santos
  • Iloilo
  • Laoag
  • Tagbilaran
  • Kalibo (Only Kalibo Flights 249)
PAL Express
Departure and Arrivals from /to Only:
  • Tagbilaran
  • Bacolod
  • Cebu
  • Laoag
  • Davao
  • GenSan
  • Iloilo
  • Kalibo

Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3
(New Terminal)

International Departures and Arrivals:
  • Delta Airlines
  • KLM Royal Dutch Airlines
  • Emirates
  • Signapore Air
  • Cathay Pacific
  • Air Asia (International flights: Incheon, Jinjian)
  • Ana
  • Cebu Pacific
Domestic Departures and Arrivals
  1. All Cebu Pacific Domestic Flights
  2. Philippine Airlines and PAL Express flights from/to Only:
  • Basco
  • Busuanga
  • Butuan
  • Cagayan De Oro
  • Calbayog
  • Catarman
  • Cotabato
  • Caticlan
  • Dipolog
  • Dumaguete
  • Legazpi
  • Masbate
  • Naga
  • Ozamis Puerto Princesa
  • Roxas
  • Surigao
  • Tacloban
  • Tuguegarao
  • Zamboanga
  • Kalibo Flights 2969, 2975, and 2971
Manila Terminal 4 Airport
(AKA Manila Old Domestic Airport)
  • Air Asia (Domestic Flights Only)
  • Tiger Airways (Domestic Flights Only)
  • Skyjet
  • Sea Air (South East Asian Airlines)
  • Air Asia Zest

Puno ng Mangga

Sa mga OFW, naku po, siguradong homesick na naman kayo kapag naalala nyo ang maasim na manamis namis na mangga natin sa Pilipinas. Bibihira kasi sa ibang bansa ung mangga na tulad sakin, meron at maraming klaseng mangga sa ibang bansa pero iba parin talaga ang lasa ng mangga satin, lalo na ung manggang hilaw at isasaw saw mo sa toyo na may asin o kaya toyo na my maanghang na siling labuyo.


Bihira na satin lalo na sa Maynila ang mga ganitong puno ng mangga na perpekto ang tubo, kung maibabalik lang ang mga panahon, sana dinamihan ang pag tanim ng mangga, sa panahon ngayon hindi na talaga itong pwedeng itaning lalo na sa mga lugar na sementado o di kaya sa mga subdivision, matindi kasi ito makasira ng semento, bakud at pader ng mga bahay dahil sa lakas ng kanyang mga ugat.

Sunday, August 31, 2014

Inihaw na Baboy

Kapag ako ay umuuwi sa pilipinas ito talaga ang una kong kinakain, hanggat maari ito ang dapat at ito ang unang malasap. Iniisip ko palang ay naglalaway na ako, lalo na kapag isasaw saw mo sa toyo na may kalamansi at may halo pang atsara.


Pero medjo ingat din dahil mataas ang cholesterol nito, pwede naman na pakonti konti lang at pagkatapos ay bukas naman ulit, ay pwede din naman na konting kain pero my beer or brandy.

Sa dami ng pinoy resto satin, iba't ibang klase ng luto ang ginagawa nila sa inihaw na baboy, pero sa totoo lang kapag ito ay wala gaanong mga sangkap at simple lang ay mas lumalabas ang lasa nya, sinubukan kong magluto nito at nilagyan ko lang nga asin, habang iniihaw ay pinapahiran ko ng kalamansi, swak na.

Thursday, August 28, 2014

NAIA Terminal 3

Para sakin world class nadin naman ang environment nang NAIA Terminal 3, kung maikukumpara sa ibang International Airport or Domestic Airports sa ibang bansa na napuntahan, kahit papaano ay satisfied naman ako sa itsura, environment at sistema.

Kapag ako ay nagbabakasyon sa Pinas kasama ng aking pamilya, halos lahat ng airport sa maynila ay napupuntahan ko mula sa NAIA Terminal 1, Centennial or NAIA Terminal 2, NAIA Terminal 3 at minsan ung old Domestic Airport (Terminal 4 daw yata yon). So far ang pinaka worst at nakakahiya ay ang NAIA Terminal 1, siguro dahil nung panahon ng bakasyon namin ay sira ang mga Aircon, isinusumpa ko talaga ung init, dahil hindi lang init ang mararamdaman mo kundi mabaho at malagkit, halos nagiiyakan ang mga batang nasa immigration galing ng ibang bansa, ung iba naman sa departure ganoon din, napansin ko lang hah, meron nga silang air cooler na nilagay pero bukod sa hindi kaya ang init (dahil summer nung panahon na yon- march to april yata) eh nakatutuk sa mga employado ung aircooler at hindi sa pangkalahatan.


Masasabi kong fair lang ang obserbasyon ko sa Terminal 2 (Centennial) dahil ok naman ang environment, bukod sa mga kolorum na nakatambay sa labas, dati dati eh malakas ang loob kong lumabas sa mga arrival areas sa pinas dahil umaasa ako na nanjan ung mga pinagkakatiwalaan kong transport service or airport taxi, unang una na jan ung may logo na "BAYAN KO SAGOT KO" wala akong masabi sa kanilang serbisyo at ang presyo ay patas naman, medjo malaki sya sa metro pero sulit naman at mababait ang mga drayber, kaya doon nako lagi nagpapasundo o nagpapahatid kapag wala akong private na sundo. Pero sa pagkakataong yon ay nagulat ako dahil itong 2014 na paguwi ko, eh wala na sila, iilan nalang at parang initsa pwera sila ng authoridad dahil sa pinaka malayo nakaparada, bagkos ang pinatataka ko ay napakadaming kolorum, nagulat ako sa presyo, mula airport terminal 2 hanggan ermita lang ako 1,500 pesos ang singil, ang tinde... samantalang doon sa pinagkakatiwalaan kong transport service ay kalahati lang noon ang bayad ko sa same destination. Nakakainis dahil medjo bastos pa ang kanilang caller, me radyo panga pero mukha naman tanga.

Unang byahe ko nang taong 2014 sa Terminal 3 ay ayos na ayos dahil satisfied ako sa lamig ng aircon at sistema, nung pangalawa eh medjo bumaba ang bilib ko, bukod sa napakaraming tao doon sa pila lalo na ung mga domestic airlines, eh pagdating ko sa gate number namin sa ilalaim eh napakainit, hindi na sya amoy airport kundi amoy pyer na siya. Alam nyo ba ang amoy piyer? Merong halong kulob, amoy ng storck na candy, sigarilyo at mabahong damit na pinagpawisan. Sana mabago ang mga terminal natin dahil nakakahiya na talaga sa mga dayuhan.

Nung nasa karousel ako para kunin ang bagahe namin sa NAIA Terminal 1, nakita ko ang mga mukha ng mga foreigner na nagsisisi at frustrated, bukod sa mainit walang tamang information kugn saan kkunin ang iyong gamit , meron ngang LCD TV pero puro advertisement naman, sabi ko sa katabi kong foreigner eh, "i am very sorry for our government".

Monday, August 25, 2014

Palaka

Eto ang kuha ko ng palaka habang umuulan sa Pilipinas, sa mga hindi pa nakaka titig at hindi pa nakakasipat ng palaka eh pagkakataon nyo na ito.


Nung bata pa ako takot din ako sa palaka dahil daw kapag natalsikan ka ng laway nito o ung gatas nito ay magiging kulugo, at ganon din sa mata ay mabubulag ka daw. Sa tagal kong tinititigan ng harapan ang palakang ito eh wala naman akong nakitang panunura nya at wala naman syang gatas na dinudura, ewan ko lang kung totoo nga yon. Ang natatandaan ko lang eh marami akong nahuli nito para sa biology subject namin nung highschool para sa project.

Ang isang bagay na gusto ko sa palaka ay nakaktulong sya sa pagbawas ng mga langaw at lamok lalo na ung lamok na my dengue. Kaya mas maraming palaka sa inyong bakuran ay mas maganda, kelangan huwag patayin dahil ito ay my tulong din saatin.

Sunday, August 24, 2014

Lechon Kawali

Naku po, isa na namang pampabatang larawan, lahat po ng larawan ay orihinal kong kuha at hindi ko po ito kinukuha sa ibang website. Eh to po ay ang larawan na kinunan bago ko kinain at pinulutan, eto ang Lechon Kawali.


Simple lang naman ang pag gawa pala, ginoogle ko lang din naman, nagpabili lang ako ng baboy laman mas maganda ung hita yun gaya nang ginagawang crispy pata. Ang pagkakaiba lang nito ay hindi dapat irefrigerate at baka mahilaw ang loob kapag pinrito na, ang crispy pata kasi eh deep fry, ang lechon kawali naman eh mantika lang. Kelangin din itong imarinate sa kalamansi o di kaya lemon, tapos konting asukal at asin. Takpan ito ng kalahating araw, kapag lumabas na ang ibang dugo at mga taba dahil naluluto ito sa lemon o kalamansi pwede na itong prituhin. Hilamusan ng butter ang buong lechon at kung meron kang pinapply juice mas ok.

Siguraduhing mainit na ang mantika ung medjo umuusok ng konti para siguradong  hindi didikit ang balat sa kawali.

Saturday, August 23, 2014

Vikings Manila

Nagkaroon ako ng pagkakataon na malibre ng Kumpare at Kumare namin sa Vikings Manila. Kaya pala napakahiram at pinagkakaguluhan ito ng mga pinoy sa manila, sa reservation palang nagtataka ako bakit lunch time palang eto kinoconfirm na ng kumare at kumpare namin.

Ang syste eh ung iba pala na gustong pumwesto doon sa bandang harapan at malaking lamesa ay 1 month daw ang reservation kung madalian ang pinaka late reservation ay at least 8 to 6 hours pero hindi kana makakapili ng upuan at doon sa loob or sulok, pero ok lang same treatment at same rates padin naman.


Ang Vikings Manila ay nagiisang Eat All You can restaurant sa Pilipinas na halos kumpleto sa lahat ng pagkain at inumin, kung ikaw ay malakas uminon parang nabawi mo nadin ang binayaran mo. Ang alam ko as of May 2014 ang weekday rates nila ay nasa 800 plus pero kapag weekends ay nasa 1 thousand plus. Masasabi kong sulit din ang kinain ko, dahil one to sawa talaga lahat na yata ang pagkain eh nandoon na mula sa Filipino Cuisine (Mula sa lechon, papaitan, lechon kawali, dinuguan, pata tim, kare-kare, bulalo, hipon, sinigang, puto, sapin sapin, talaba, etc), chinese, japanese oriental, basta lahat nang gusto ko nandon, kung di mo gusto ung nakahanda pwede kadin magpaluto kung gusto mo ilalagaw nila sa lamesa mo ung my apoy, ang problema lang eh hindi mo naman makain lahat, sa inumin naman meron silang beer at draft beer, all you can drink din at ganon din sa mga juices at other drinks, kasama yon sa binayaran mo, sa mga kiddos naman, basta lumampas sa height na 4feet eh kasali na sa presyo, kaya kung ang anak mo mahina kumain eh lugi ka, pero marami ding pagkain pambata kahit candy at chocolates meron din.

Ang Vikings Manila eh banda doon sa likod ng MOA, sa susunod titikman daw namin ung ibang restau doon na eat all you can din. Sana di ako masuka sa dami ng pagkain.

Thursday, August 21, 2014

Isaw o Bitukang Manok

Nakakatakam at nakakapaglaway kapag naamoy mo ang usok ng barbique sa kanto or bar-b-q. Kapag ako ay umuuwi ng pinas ang una kong hinahanap na pagkaing kalye ay ang isaw, tlaga namang nakakapag pabata.

Sa mga teenager nung panahon ko eto na ang tanging libangan ang masarap na isaw, lalo na kapag itong isasaw saw mo sa sukang my anghang at sibuyas, o di kaya sa mga chicks ay tamis anghang na sauce. Grabe nakakapaglaway minsan halos hawak ko na ang buong garapon at nakababad ung mga 6 na isaw na binili ko sa saw sawan na maanghang habang nginunguya ko ang isang stick na mainit init at my tamis anghang, tapos sinasabayan ko ito ng sprite o mountain dew, pag medjo budgeted tubig nalang sa plastic cups.


Delikado daw ito sa kalusugan, pero yun nga ang masarap lalo na ang bawal. Baka daw magkasakit tayo, yun ang narinig ko sa isang mamang kasabay kong kumain, paano ba naman pagbaba ko sa bus sa Alabang nangangamoy ang inihaw na manok at mga kila at dugo at kung ano ano pa, syempre gutom ako kesa kakain ako sa restaurant o di kaya magluluto pa ako sa boarding house, titirahin ko na ang isaw na nakadisplay. Pero pwera biro, minsan kumain ako my batang nanghihingi sa tindero, eh ayaw ng tindero bigyan, sabi ba naman nung totoy eh hindi nya na daw ipagpupulot ng stick ang tindero.

Wednesday, August 20, 2014

Kalsada sa Probinsya

Habang naamoy mo sa umaga ang sabong panlaba at pinagbanlawang damit, naririnig mo na din ang mga naglalako at nagsisigaw ng tindero ng isda, puto, taho at minsa maaga pa ang mga hulugang gamit tulad ng rice cooker. Ika nga ng mga ibang ofw's na nakakausap ko dito sa middle east, eh talaga namang nakakahomesick pag ganito ang kinikwento ko, lalo na pag pinapakita ko ang blog ko na my photo ng mga magagandang tanawin sa probinsya.


Yung mga my edad na eh talagang napapaluha pagnakikita ang mga tanawin na maramin halaman. Tulad ng mga larawan ni pinapakita eh talaga naman mayaman sa kalikasan at sa larawan palang ay napakasarap na ng simoy ng hangin. Ngunt anong magagawa kundi magbalik manggagawa sa ibang bansa para lang matustusan ang pangarap na magkaroon ng sariling pamamahay at mabigyang magandang kinabukasan ang pamilya at anak.

Sunday, August 10, 2014

Chicken Charlie

Naka tikim na ba kayo ng pagkain ng Chicken Charlie? Maraming mga kuwento at kuro kuro tungkol sa estilo ng pag presenta ng pagkain ng Chicken Charlie, kaya naman nung bakasyon ko sa Pinas tinikman ko ito kaagad. Masarap ang pagkakaluto ng manok nila dahil medjo nga kakaiba, hinaluan ito ng honey, at meron din sila chili lumpia, at mga varieties.


Ang pinagtataka ko lang eh bakit ang konti ng kumakain dito, kumpara mo sa mga jollibee, kfc, o mcdo, samantalang ang lamig ng lugar at presentable naman. SA mga napagtanungan ko ok naman din daw ang lasa, pero ung iba naiitiman sila sa itsura ng manok na pagkakaprito dahil nga my honey kaya parang sunog ang manok. Pero sabi nga nila mas ok kung matikman muna ang pagkain bago manghusga.

Wednesday, August 6, 2014

Sizzling Sisig

Kamakailan lang ay kinilala ang lutong pinoy na Sizzling Sisig sa Amerika, nabasa ko lang ito sa isang artikulo. Mula sa Bayan ng Bacolod City, dito ako nakatikim ng Sisig Rice, tamang tama lang sa panlasa ko, hindi sya masyadong malansa at hindi rin masyadong maalat, ito ay malinamnam sa panlasa.



Karaniwan nating inoorder ang sisig sa mga inuman bilang isa sa ating pulutan, katunayan makakbili nga tayo ng delata nito. Dahil ako ay ofw, kapag ako ay umuuwi ng pinas, minsan meron di inaasahang biglang dating na mga kaibigan o bisita so kaya naman mapapainum na naman, para quick solusyon sa galanteng pulutan, bumili ako ng sizzling plate, at ung delata na sizzling sisig ay pinapabuksan ko at pinahahaluan ng itlog at konting butter at sibuyas at wallahh! Meron nang kaanya anyayang pulutan, syempre ang technique jan huwag mo ipapakita sa bisita mo na delata lang ang sisig mo, kaya bilib sila akala nila nakakagawa kaagad ako ng pulutan na sisig. Tip na yan sa mga OFW, ganyan lang kelangan natin para matipid. Sa susunod ko na blog ikekwento ko kung pano nyo mabilis lasingin ang inyong bisita!

Monday, August 4, 2014

OWWA Loan

The following requirements for OFW OWWA Loan applications

Application Form (accomplished with photo)
Sketch of residence
Passport
Other Requirements: Price Quote/Material Building Plan

Notes:
Sa mga website reviews 50/50 ang mga nakikita kong review response ng mga ofws, ang iba ay nakakakuha agad ng loan at ang iba naman ay fail. Kelangan talaga natin minsan pagbasehan ang qualifications ng applicants, dahil ang owwa ay minsan nanghihingi ng colateral at least 3 years new ang gamit mo para maka loan, ang iba naman ay hindi naman hinihingan.

As per OWWA kelangan umatend ng seminar para maintindihan ang proseso.

Tuesday, July 22, 2014

Alfonso 25 (Alak)

Sa mga ofw na manginginom katulad ko ang Alfonso 25 ay hindi mabibili sa mga local department stores, kung kayo ay balik bayan mabibili nyo ito sa mga Duty Free shops kahit sa Cebu ay meron.


Swabe ang lasa pero medjo mas matapang kumpara sa mga unang labas ng Alfonso tulad ng Alfonso 13. Merong mga kuro kuro na ang Alfonso Brandy daw ay peke. Hindi po totoo yon, ito po ay urig, ngunt marami pong namemeke, kapag ang alfonso ay nabili ninyo sa local market at hindi sa mga authorized department stores, baliktarin lamang ang bote, kapag wala kayon nakitang ni isang bula eto ay peke. Ganon din ang pagtukoy sa mga peke na black label.

Sunday, July 20, 2014

Redhorse Beer

Bakit hindi maalis sa isip natin ang Redhorse Beer. Sa aking sariling pananaw kapag ikaw ay may matinding karanasan sa isang bagay ay talaga namang hindi natin makaklimutan, katulad ng matinding pagususka, paguwi ng walang pera at madumi. Minsan sa inuman o mga karanasan na ganito ay nagiging leksyon sa atin.


Tulad ko, mula nung naranasan kong umuwi na parang basang sisiw ay isinumpa ko na ang pag inom ng Redhorse beer, kaya minsan tikim tikim nalang., kapag naamoy ko na ang kalawang sa aking ilong tigil na dahil siguradong matindi na naman ang hang over.

Sya nga pala sa mga manginginom na tulad ko, alam nyo ba ang gamot sa hangover, simple lang antabayanan nyo.

Thursday, July 10, 2014

Langit ng Pilipinas


Kapag namimiss ko ang bansang Pilipinas, tintingnan ko lang ang larawang na kalangitan. Nakakapang relax at parang nararamdaman ko nadin ang simoy ng hangin sa kahapunan habang ikaw ay nakahiga sa duyan at kumakain ng hilaw na mangga o di kaya dalanghita.


Bihira ang larawan ng langit ng pinas, dahil dito sa ibang bansa medjo my kalabuan ang langit lalo na na sa middle east, madalas mag sandstorm at kung winter naman ay foggy.

Naalala ko ang kalangitan sa Pilipnas na maaliwalas at minsan din ay medjo madilim at parang uulan, doon mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin lalo't kapag ikaw ay nasa probinsya.

Tuesday, July 8, 2014

Sariwang Hangin sa Probinsya

Minsan nakaka homesick talaga ang sariwang hangin at larawan ng probinsya. Kaya kapag ako ay umuuwi sa pinas lagi akong dumadalaw sa probinsya, doon sariwa ang hangin, masarap makipagkwentuhan sa mga kaibigan at lalo na mas masarap makipaginuman.



Ito lang ang oras para makapag unwind sa mga dinaranas na kalungkutan ng ofw sa ibang bansa, masarap talaga ang mamuhay sa pilipinas lalo na kapag ikaw ang my pera, ngunit kapa butas ang bulsa ng isang ofw mukha karing basang sisiw. Minsan naisip ko mas ok panga kapag hindi ako nagttrabaho sa overseas, dahil mas marami kang makikitang totoong kaibigan.

Kapag ikaw ay ofw at magbabakasyon sa pinas dumadami ang kaibigan mo, maraming nananamantala at marami ring gustong manggulang, hindi nila alam ang hirap na dinadanas ng mga ofw sa ibang bansa at paguwi sa pinas akala nila eh mayaman na.

Monday, July 7, 2014

Mabini Street, Malate Manila

Kung ikaw ay pinoy at mahilig sa gigs, siguradong hindi ka magsisisi kapag napasyal ka sa mabini street. Dito pagsapit ng alas sais ng hapon simula na ang good time. Masasabi kong safe naman ang lugar dahil sa maraming romorondang pulis at bukod doon ung iba naka scooter na pulis, marami kang makikitang foreigners at libangang bar.



Minsan tumambay ako sa harap ng isang hotel na aking tinutuluyan dito sa mabini at napapansin ko ang mga foreigner na lalaki at at ease na at ease, minsan my mga kasamang pokpok. Karaniwan nang nakikita ang mga ganon sa mabini minsan pa mga lasing na naglalakad at ung iba sumusuka sa kalsada.

Pag binaybay mo ang kahabaan ng mabini street malilibang ka talaga, ung ibang bars my kanya kanyang pakulo lalo na kapag weekends, marami rin silang mga promo package na drinks with pulutan.

Sa araw naman ang mabini ay tahimik ngunit marami karing makikitang foreigner usually family foreigners na naglalakad at nagtotour.

Monday, June 30, 2014

J.Co Donuts sa MOA (Mall of Asia)

Hindi ko ito natikman, dahil hindi naman ako mahilig sa matatamis. Nung nagbakasyon ako sa pinas eh ang gustong gustong ng karamihan, lalo na ng misis at mga anak ko. Ang J.Co Donuts daw a pinipilahan at minsan nga daw madaling araw pa nakapila na ang mga tao. Curious ako bakit kinababaliwan nila ito eh meron din namang Dunkin Donuts, Krispe Kreme o Mister Donuts na dati nang kinababaliwan din nung bago palamang ito sa market.



Nung ibinili ko ng J.Co Donuts ang misis at mga anak ko sa SM Mall Of Asia eh napag alaman ko na over exag lang ang mga kwento, totoong mahaba ang pila pero meron naman palang maiksi, dahil 2 lanes ang pila ung isa sa iilang peraso pero mahal ang presyo at ung isa sa mura lang pero marami, syempre doon ako pumila sa mahal dahil maiksi lang ang pila at mabilis naman, siguro umabot lang ng 15 minutes at nakuha ko na ung pinili kong J.Co Donuts na gusto ng misis ko. Sarap na Sarap sila sa pagsubo, ang pagkakaiba daw nito sa ibang donuts eh hindi masyadong matamis at hindi tumitigas. Kaya sa mga kabayang OFW, pag curious kayo try nyo..

Sunday, June 29, 2014

Makulimlim

Makulimlim at preskong hangin. Dito sa probinsya ito ang pinaka namimis ko, dahil ako ay isang ofw na nagtatrabaho sa middle east, ang mga katulod ko ay sabik sa mga ganitong panahon. Masarap sayangin ang bakasyon sa mga ganitong sitwasyon, nakaupo at nagmamasid sa kapiligiran, masarap langhapin ang simoy ng hangin, lalo na kapag malapit nang umulan at my malamig na simoy at makulimlim na kalangitan.



Sa mga ganitong pagkakataon parang ayaw ko nang bumalik ng ibang bansa para magtrabaho, ngunit ano ang magagawa ko, hindi ko kayang kitain dito sa sariling bansa sa pinas ang kinikita ko sa abroad, pano ko mabibigyan ng maayos na tirahan at paano ko mapagaaral ang mga anak ko kung sa pinas din ako kikita. Sa tingin ko ang kelangan ng isang ofw ay puhunan at makapagisip ng maayos na ikabubuhay tulad ng negosyo sa pilipinas. Sa tining ko kung ikaw ay ofw at gusto mong magnegosyo imposibleng hindi ka aasenso kapag ito ay tinututukan, ung ibang bumabagsak na negosyo ay dahil sinasamahan ng bisyo o di kaya kulang sa stratehiya.

Thursday, June 26, 2014

Bacolod City Jeeps

Nakalibang talaga ang mga pampasaherong jeeps sa bacolod city. Sa lahat yata ng probinsyang napuntahan ko dito nako nakakita ng magagandang klase ng pamapasaherong jeep. Makukulay, naka magwheels at magaganda ang sound systems ng mga pampasaherong jeepney sa Bacolod City.



Bukod sa pisikal na anyo ng mga pampasaherong jeep sa bacolod ay iba din ang ugali ng mga driver, iba sila makitungo sa mga pasahero di tulad sa manila. Sa bacolod city tipong kapag nakakita ng pasahero sa my kanto ay aatras pa ito para makasakay ka, at kapag umuulan sa waiting shed ay umaatras para hindi mabasa ang mga nakasilong na pasahero bago sumakay. Kaya bilib ako sa klase ng sistema ng mga pampublikong sasakyan. Bukid sa Jeep ang mga taxi din ay kakaiba sa bacolod city, talagang gumagamit ng metro ang mga taksi bihira ka makadinig ng nangongontrata.

Monday, June 23, 2014

Children's Party

Nakakatuwa at nakakagaan ng puso panoorin ang mga batang masaya na kumakain sa children's party lalo na sa probinsya. Minsanan lang ako makauwi ng mga probinsya pero dahil ofw ako nakasanayan ko nang magpakain o gumawa ng konting handaan. Ang mga bata sa probinsya ay masayahin, konting pagkain tulad ng spaghetti, juice, hotdogs ay masayang masaya na sila.


Masaya talaga maging bata dahil walang problemang iniisip pagkain lang talaga ang kasiyahan, sana ganon din lahat tayo ngunit wala tayong magagawa dahil kakambal na nating mga Pinoy ang problema, hindi man sa pamilya minsan sa pera at kung wala madadamay ka.

Sunday, June 22, 2014

Egg Sandwich

Ito ay isang techniques sa mga ofw na nagmamadali lalo na kapag sila ay papasok na sa umaga. Kung gusto mo ng purely egg sandwich, ngunit sa madaliang paraan malamang ito na ang solusyon sa iyong problem. Ang paraan na ito ay hindi mo na kelangang mag-bati ng itlog o di kaya mag lagay ng mantika sa lutoan para maluto ang itlog at ipalaman sa tinapay.



Ang kelangan ay isang Tasty na tinapay pero pwede rin ung ibang tinapay basta medjo malambot upang magawan ng korte palubog. Pagkatapos ay basagin ang itlog at dahan dahan ilagay ang laman ng itlog sa tinapay na may korte. Ilagay lamang ito sa microwave or oven at i-set sa standard heating at pagkatapos ay Wallahhh! Meron kanag instang egg sandwich na pang almusal or pambaon. Ayos ba!

Thursday, June 19, 2014

Basketball sa Bukid

Nakaka home sick daw kapag nakikita ng mga ofw ang lugar na kinalakihan lalo na kapag sa probinsya ka lumaki. Napakasarap makita ang maraming puno, natural na mga ulam sa bukid, gulay pagkaing malinamnam at sabay lalo na ang mga nilalaro nung bata tulad ng basketball.



Masarap makita na na kahit sa maliit na paraan ay nakakagawa parin ng libangan ang mga kabataan ngayon lalo na sa probinsya, dahil sa sariwang hangin, minsan sa mga ganitong pagkakataon pa nga mas lalong nagiging mahusay ang mga kabataan para sa kanilang paglaki ay mas magaling sila at mas malakas sa larong basketball. Ang larawan na ito ay kuha sa likuran ng bahay na my bundok.

Wednesday, June 18, 2014

Mayon Volcano, Albay

Sa pagsakay ng eroplano papuntang bicol, tanaw na tanaw ang ganda ng ginawa ng kalikasan sa Mayon Volcano. Kaya naman pagdating sa Legazpi Airport ay libreng libre ang mga tao kumuha ng larawan, ngunit minsan my pagkakataon na tinatabunan ito ng mga ulap, kaya swerte mo lang kapag nakuhanan mo ng kumpleto ang Mayon Volcano. Sa larawang ito swerte din na nakuha ko ang Mayon Volcano sa ere habang papaalis kami ng Legazpi Albay.



Bagamat nakapagbakasyon ako sa Bicol, marami paring talagang nadevelop na lugar na hindi ko pa napupuntahan, sabi ng mga taga maynila eh marami daw na tourist spots sa Bicolo bukod sa Mayon Volcano.

Tuesday, June 17, 2014

SM Mall of Asia - Ice Skating Rink

Sa paglalakad sa SM Mall of Asia kaasma ang aking mga anak, talaga nga namang libang na libang ako lalo na sa panonood ng mga nag iice skating. Bilang isang bansa na mainit at hindi nagyeyelo o na ssnow ay nakakaaliw panooring na mga mga batang mahilig sa yelo at skating.

Meron silang mga coaches at ung iba napapansin ko, eh dahil summer, ineenrol nila ang mga anak nila sa ganitong activities habang sila ay nasa trabaho at babalikan nalang nila ang kanilang mga anak kapag off-duty na.



Marami sa mga ofw na katulad ko ang masayang nakikita ang mga anak at mga nakatawa lalo na kapag ipinapasyal mo sila sa mga mall, bukod sa komportable sila dahil hindi mainit eh masaya din ang bonding.

Isa lang ang napansin ko sa mga Malls sa Manila, bakit napakadami yata masyado ng ahente ng mga condominiums? ok naman ung pag approach nila kaya lang sa pagiikot napakadami ko na talangang brochures, at syempre lalong ok dahil nakikita kong masisipag ang mga kababayan kong Pinoy.



Sunday, June 15, 2014

Tabaco City, Albay - Bicol Region

Kahit ganito ang itsura ng kalsada ng Tabaco sa Albay Bicol Region, nakikita ko na sa isang probinsyang katulad nito ay may mga pinaka respetadong nasa serbisyo tulad ng mga pulis. Masasabi kong respetado dahil ang mga tao ay sumusunod sa mga batas trapiko, lalo na sa tamang babaan at sakayan at maging nadin sa pedestrian.


Isang probinsyang may mga mamamayan na gumagalang sa kinauukulan ay isang lugar na respetado at kahit marami sa pursyento ng mga mamayan sa Tabaco Albay ay hindi man nakapag tapos ng pag-aaral, marami sa kanila ang natural na mababait at masunurin. Simple lang buhay sa bicol, hindi magastos, nagbibigayan ng ulam at higit sa lahat malalapit sa diyos.

Ang Tabaco City ay matatagpuan sa East side ng Bicol Region na nasasakupan ng Albay sa may bandang paanan ng Mayon Volcano. Hindi man natin madalas marinig ang lugar na ito ngunit ito ay isang daanan papunta sa mga kalapit na isla o probinsya tulang ng Catanduanes. Mula Legazpi Albay ito ang may hanggang 10 Kilometers lamang.

Saturday, June 14, 2014

Kalye Singko (Calle 5) , Malate Manila

Aliw na aliw talaga ako sa mga Resto Bar na Katulad ng Kalye Singko (Calle 5), naaliw ako hindi dahil sa mga babaeng waitress kundi sa klase ng entertainment tulad ng live band. Syempre mas aliw ka mas mahal ang presyo.

Mula pa yata nung elementary ako naririnig ko na ang Bar na Kalye Singko o "Calle 5". Dahil sa mga kilala naming OFW o Seaman madalas ang entertainment Area ay sa Malate. Ngayon OFW nadin ako, nakita ko nadin sa wakas ang Kalye Singko o Calle 5. Hindi siya aircon pero malupit ang entertainment o live band, halos sampung kanta palit na ulit ng Banda at ung mga Band nila almost Girl Band with sexy dance.


Noong unang beses kong pumasok medjo nagulat ako kasi sa bandang labas lang nman kami, meron syang cover charge na 60 pesos tapos pagkaraan ng dalawang taon naging 120 pesos, di ko sure kung dahil weekend ung mga panahon na yon, 260 pesos kasi ang nagastos ko sa dalawang boteng beer na ininom namin ng kumpare ko. Malupit sa Bulsa pala!

Anyway, advisable siguro ito kung marami kayo at marami kayong maiinum dahil my mga drink packages din sila, medjo lugi lang kapag konti ang iinumin nyo.

Wednesday, June 11, 2014

Bacolod Chicken Inasal

Sa Bacolod, kilalang kilala ang Manokan Country. Kaya kapag ako nagbabakasyon, napapadaan din ako sa lugar na iyon, isa syang mahabang manokan restaurant na puro inihaw na manok at baboy. Pero dahil specialty ng Bacolod ang Chicken Inasal, talaga nga naman napakasarap, lalo na kapag my kasamang malamig na beer.


Sa Bacolod City maraming resto na related sa Inasal, ang huli kong natikman ay sa NeNa's, base sa mga sabi sabi ng mga kaibigan ito daw ang pinaka sikat ngayon panahon, dahil sa magandang serbisyo, malamig na lugar at open nadin sila sa Franchizing, kahit sa bacolod mismo ay ang dami nadin nilang Branches.

Talagang mahihilig ang mga taga Bacolod sa Inasal, dahil kahit saan sulok ka pumunta ay meron ganitong luto at talagang masarap at hilig ng lahat. Sa ngayon nakikita ko ang progreso ng isang probinsya na katulad ng Bacolod City ay mabilis dahil sa dami ng foreigner at investors.

Tuesday, June 10, 2014

Pinakamasararp na Dinuguan

Ang pinakamasarap na natikman kong Dinuguan ay sa Goldilocks. Sa iilang taon kong pabalik balik sa pinas upang magbakasyon, at sa dami daming natikman ko na dinuguan ay sa goldilocks ko lang talaga natikman ang hinahanap kong lasa.


Nakakapaglaway lalo na kapag my kasamang puto at tanduay lapad. Maraming OFW ang naglalaway pagdating sa inumin at pagkain, hindi naman sa minamaliit ko ung mga ibang karinderya pero sa luto ng Goldilocks na dinuguan, parang mas sulit ang pera na ginastos, konti lang kasi ang deperensya ng presyo sa karinderya at sa goldilocks at mukha naman marami din ang serving at malaman pa.

Pasyalan ng Bayan

Dahil sa sobrang init ng panahon sa pinas kapag tag-araw, ang hanap hanap ng mga tao ay kung saan my aircon. Ang mga dayo sa maynila ay madalas mamasyal sa mga kilalang mall tulad ng Robinson's Place Manila o kung hindi kaya sa SM Mall of Asia.


Talaga nga namang nakakalibang at masarap sa pakiramdam na makita mo ang iyong mga anak na my ngiti dahil sa nakikita nilang tanawin. Lalo na Mall kapag linggo ay my Artista. Bilik ako sa mga tatay at mga magulang na nagsusumikap upang maipasyal man lang sa isang linggo ang kanilang pamilya sa malamig na mall.



Monday, June 9, 2014

OFW Unang Araw sa Pinas

Bilang bakasyonista, syempre nanggaling ako sa middle east, talagang medjo pagod ngunit di ko matiis ang panghagod sa pagod na beer at ang pag kain ng crispy pata.

Ang pumuputok putok na crispy pata habang sinasaw saw sa suka at unang lagok ng malamig na beer ang hindi ko malilimutan sa araw ng aking bakasyon bilang isang ofw. Sa sitwasyong uyon parang nawala ang pagod at problema ko sa pagtratrabaho sa ibang bansa ng dalawang taon.

Pero mahirap din pala kapag medjo tumatanda na dahil 3 bote lang ng beer parang tinamaan na ako. Dalawang taon ko din inasam ang mga ganitong pagkakataon, kaya habang nasa pinas kelangan bilang isang OFW o balik manggagawa ay masulit ang oras sa pamilya at mga pagkain at inumin. Kelangan din icontrol ang sarili sa paggasyos, daily budgeting lang ang kelangan para di sumamblay.







View of Manila Bay

After I accomplish my task getting balik manggagawa or process my POEA and OWWA certificate, it is time to refresh and relax.

It is not common to go to Manila Bay during vacation, but one friend invited us to a common restaurant. While waiting, i was surprise for the baywalk reclamation. I saw this young arab women enjoying the view in manila bay as well as the weather. I know it is not common to arabs to see black sand or black water because of dirth, but this place could make help release stress.


The view is a fresh develop artificial nature, seeing the and smelling the sea waters of manila bay and cargo ships on the queue to the port for releasing. I guess philippines needs to improve the port.


 
While waiting for our friend before our restaurant treat, my last day in Philippines is now complete.
 
 
 

Gran Prix Hotel Manila - Satistified

Sa ilang taon akong pabalik balik sa Pinas upang mag bakasyon, bilang isang ofw tayo ay kelangan magtipid. Mula ng napadaan ako sa Hotel na ito Gran Prix Hotel sa Mabini noong 2009, regular na akong nagchecheck inn at nagbobook dito.


Bukod sa Fair Rates nila eh ang pinakagusto naming mga ofw eh mababait ang mga staff nila mula sa security, reception, hanggang sa restaurant staff nila "Namayan Resto". Masasabi ko rin na proud akong maging pinoy dahil sa pinapakitang kasipagan ng mga tao dito sa hotel na ito "Gran Prix Hotel Manila".

Kahit maraming hotel na mapagpili-an at medjo mas mura pero di ko parin kayang ipagpalik ang serbisyong pinapakita ng mga staff ng hotel na ito. Congrats sa inyo mga kapatid.

Mga Babayarin Sa Pagiging Balik Manggagawa sa Pinas

Bilang OFW tuwin bakasyon sa pinas, kelangan kong magbayad ng POEA (Philippine Overseas Employment Certificate), OWWA (Overseas Workers Welfare Adm), Pag-Ibig at Philhealth.

Medjo nakakagulat lang ang pagtaas ng Philhealth dahils sa ilang taon na akong nagaabroad, sadyang parang napakamahal sa mga maliliit na manggagawa katulad ko ang pagbayad nito at sa aking pagkakaalam eh hindi ko naman ito nagamit.

As May 2014 eto po ang mga bayarin ko:
POEA = 1,100 Pesos
OWWA = 100 Pesos
Pag-Ibig = 600 Pesos (Minimum 6 Months = 100/month)
Philhealth = 900 Pesos (6 Months)

Paalala: kung gusto nyo po ng kumpletong 2 taon na coverage sa philhealth kelangan nyo magdala ng 3,600Pesos bukod sa other payment. Pero kung gusto nyo makatipid eh pwedeng minimum nalang tulad ng nasulat ko sa taas, yon nga lang after 6 months at nasa abroad ka expire na sya at hindi ka makakagamit ng any claims if emergency.

Search This Blog