Malaking ginhawa talaga sa mga OFW's ang pagkakaroon ng sariling nating eroplano na lumilipad sa gitnang silangan, hindi lang mas madalas makauwi kundi madalas nadin makita natin ang ating mga pamilya, lalo na kapag holiday sa middle east ay pwedeng samantalahin ng mga kababayan ang paguwi.
Bilang isang OFW gusto ko ibahagi at ipaliwanag nading sa mga kababayan na 2 airlines napo ang meron dito sa middle east na magbibigay ng magandang serbisyo at maghahatid at magsusundo satin sa pinas, eto po ay ang Philippine Airlines at Cebu Pacific. Ang PAL po ay matagal na nagumpisa last year pa, pero meron parin po silang mga light fairs kapag ikaw ay magbobook ng at least 6 months before the flight schedule mo. Hindi po ito malaking promo ngunit mas mababa sa mga presyo ng ibang airlines.
Ang pinaka mainit dito ngayon sa Saudi ay ang promo fairs ng Cebu Pacific na naguumpisa sa piso or 1SR(One Saudi Riyals) one way. ex. Dammam-Manila or Riyadh-Manila Trip or pabalik.
Ang gusto ko pang ipaintindi sa mga kabayan na hindi porket piso or 1 riyal ang pamasahe eh ganon lang ang rate nababayaran nyo, eto po ay ang base fair lang. Ibig sabihin my other charges tulad ng tax, fuel charge, meal charge, seat charges, admin fee and others.
Ngunit kapag pinagsama po ang lahat ng additional charges eh mas mababa padin po ito kesa sa ibang airlines. Ang suma total ok padin po para sa ating mga ofw's ito. Sa larawan po ay makikita ninyo ang aking pre-flight purchase ay naka summuarize ang mga charges. Ang total ng babayaran ay mas mura parin kumpara mo sa ibang airlines
Sa senaryo ng larawan gumawa ako ng pre flight booking from dammam to manila gamit ang kanilang promo fair offer na 99sr(As advertise). Tama ang kanilang offer pero on the process my mga charges din, ito ay flexible kung gusto nyong mas mababa ang total price, pwede ninyong alisin ang meal (Kun ayay nyo kumain sa byahe na 9hr) 2 meals naman yan pwede nyo bawasan ng isa, pero syempre pagkumakain ang katabi mo at maamoy mo ung cornbeef gugutumin ka kaya mas mainan na my pagkain ka or magbaon nalang, ganon din ang seat reservation, kung ikaw ay maselan sa mga upu-an mas lalo na ung mga pamilya mas maigi na bumili ng upuan, ung baggage allowance ay flexible din mas mababang baggage kilo ay mas mababa din na presyo sa aking senaryo pinili ko ang 20kg, ung taxes ang fees, syempre maliwanag naman yan usual sa lahat basta pinas product.
Sa mga gusto po icompare ang kung saan ang inyong destinasyon, ang babaguhin nyo lang po sa computation sa baba ay ang base fare (e.g. promo fairs 1peso or 99sr)
Ang hindi ko lang maintindihan meron ibang mga kababayan na hindi makontento, kesyo daw luma ang eroplano, hindi daw makakaabot, maliit daw ang ailes ng eroplano at mga upu-an, di daw masarap ang mga pagkain, minsan naiisip ko na naghahanap lang talaga ng dahilan ang mga pinoy o para makapagkwento at makasira ng sariling kanilang produkto, (crab mentality). Ang explenasyon ko po ay ganit, lahat po ng eroplano na pinapalipad internationally ay my permit at approved /tested gn international aviation authority, sa ating mga eroplano (Cebu or PAL) ang pagkakaalam ko ay mga bagong airbus A330, para po sa inyong kaalaman eto din po ang eroplanong ginagamit ng gulf air, cathay, klm, singapore air at marami pang iba para sa international flights. Ung tungkol naman sa ailes o daanan, lahat po ito ay standard at approved din ng internation aviation authority (for safety purposes). Ung tungkol naman po sa meal, ito po ay sapat lang at standard menu from internation airline catering. Ung sa mga nagrereklamo naman po tungkol sa entertainment, sana po maintindihan natin na economy class ang ticket natin, ung sa business class pwede pang magcomplain, pero kung economy ka, ung mga additional entertainment features ay additional nalang po yon.
No comments:
Post a Comment