Sunday, January 17, 2016

Bakit Dumadami ang Bading na Pinoy sa Saudi

Dala ng pangugulila, ang isang malaking kapahamakan sa mga kalalakihan ay maging isang Bading. Ito malamang ang nadudulot ng sobrang kalungkutan at nangungulila sa pagmamahal kaya’t ang kapwa nila lalaki ang napagtutuunan ng pansin na mahalin na my pagnanasa. Dahil ang Saudi Arabia ay isang bansang sensitibo at strikto sa mga relasyon sa mga babae at lalaki na halos nakatalukbong ang katawan mukha at buhok ng mga kababaihang ng itim na tela upang hindi mabigyan ng malisya at mapagpantasyahan, ganon din naman sa mga lalaki na kung saan ay dapat simple lang ang pananamit at bawal mag short pants, ang pangunahin batas ng Saudi ay bawal makaatract ng opposite se-x, kaya dapat kung ikaw ay lalaki ay dapat di Kadin nagdadamit ng kapansin-pansin upang di ka mapansin at mapagnasahan ng mga babae.
Ngunit sa kabila ng mga pagbabawal hindi naman nakasaad sa batas ng kaharian na bawal ang relasyon sa kapwa lalaki, kaya naman ang mga pinoy na lalaki ay malayang nagmamahalan at nagkakadevelopan, minsan bukod sa magkakasama sa isang kwarto, minsan magkapares din, kaya naman nagkakaroon ng pagnanasa. Kwento ng mga nakatatandang OFW sa Saudi ay noon daw hindi naman ganoon karami ang mga bading at iyon din ang ipinagtataka nila, lalo na sa panahon ngayon hindi mona halos marecognize ang tunay na lalaki at bading, dahil marami sa mga bading ang malalaki ang katawan at mga pogi pa, malalaman mo nalang na kapag malagkit ang tingin sayo o di kaya madalas mag gym dahil doon malaya nilang nakikita ang lahat ng gusto nila sa matipunong katawan ganong narin na makahalubilo ang pinapantasya nila. Nagkaroon ako ng konting pag-aaral kung bakit ngaba dumadami ang bading na pinoy sa Saudi. Meron akomg ininterview na bading at seryoso din naman ang kanyang mga naging pahayag, para daw sa kanya my halo din itong psychological issues dahil ang transformation daw ng pagiging bading ay hindi lang dahil sa pagnanasa sa kapwa kundi dahil din sa kalandian, wika nya sa kanya alam nya daw a bading na siya noong bata pa sya pero di naman daw sya nagkagusto kaagad sa kapwa nya lalaki, ang sakanya dahil ay kalandi-an mahilig sya sa mga gawi at manamit ng pang babae, ika nga eh fashion., nabanggit nya din na dahil sa pagiisip ng isang lalaki na walang permanenteng adhikain o hindi makumportable sa iisang sitwasyon, trabaho at ano mang aktibidades ay nagkakaroon ng insecurity at doon hinahanap nya ang kanyang sarili kung ano talaga sya. Isa rin daw sa dahilan kung bakit nagiging bading ang iba sa Saudi ay dahil nagugustuhan din sila ng kapwa lalaki o di kapwa lalaki na arabo. Maraming arabo ang nagkakagusto sa bading dahil sabi nila mababango ang mga ito, at higit sa lahat hindi lahat ng arabo ay nakakapag asawa agad kayang kakulangan nila sa pakikipagtalik ay ibinubuhos nalang sa bading. Marami narami din namang mga bading na nagkakagusto sa mga arabo pero bihira ang nakikita mong nagseseryoso dahil sa iba ay palipas lungkot lang pero pagdating nila sa pinas matikas na ulit sila. Sa Saudi Arabia bilang OFW ay hindi naman masama ang mag convert sa pagkabading at di naman ikaw pinakikialaman ng mga katrabaho mo, ang masama lang ay kung nakakaagrabyado kana, o di kaya may pamilya ka sa Pilipinas at bigla ka nalang Makita ng misis at mga anak mo na may akbay kang lalaki at my bulaklak ka sa tenga. Talaga nga lang nakapagtataka ang mabilis na pagdami ng nagcoconvert sa pagkabading, sabi ng iba nakakahawa din daw ito, at sabi din nang iba kapag nagkarelasyon sa bading ay dahan dahan kanading nasasakop ng kalambutan. Di ko alam kung paano mapipigilan ito, ngunit isa lang ang masasabi ko , lahat ay Malaya at kung kaibigan kita na nagiging bading, huwag ka mag-alala kung saan ka masaya suportahan taka…

1 comment:

  1. Oo nga bakit dumarami bading dito? Nanganganak ba sila?

    ReplyDelete

Search This Blog