Friday, June 12, 2026

950 Pesos Travel Tax Ticket Re-inversement for OFW Claim sa PAL

 Sa mga OFW na balik manggagawa or sa bagong OFW ang bagong halaga na makukuha nyo sa airport before boarding ay 950 pesos sa lahat ng airlines, pero itong post ko na ito ay specific kung pano nyo makukuha sa Philippine Airlines sa NAIA Terminal 1 dahil ito ang latest procedure ngayong June 11 2026.

Sa mga nag oonline booking at merong online checkin boarding pass, siguraduhing dumaan muna sa check in counter para makuha nyo ang re-inversement tag. (eto ay kamukha din ng Boarding Pass).

Sa mga normal via counter check-in ay ganun din, 2 cards ang makukuha nyo, boarding pass at re-inversement tag na kamukha din ng boarding pass.

Step 1.Upong check-in kelangan nyo ipakita as usual sa counter ang inyong printed OEC slip at visa or exit-re entry visa sa mga balik manggagawa.

Step 2. Upon security check ipakila lang ang boarding pass at passport.

Step 3. Immigration Check, siguraduhing nakapag fill up online the etravel, at kung hindin mag fifillup ka manually sa form gaya ng dati at kelangan mo ng ballpen, dahil wala kang mahihiraman, mas matagal ang processo.

Step 4. Pumila sa OFW immigration dala ang documento na passport, boarding pass, visa or exit reentry visa, at OEC. (Mas mabilis ang processo kapa epassport ka at nakapag fill ng etravel, dahil ituturo ka ng immigration officer sa E-pass at hindi kana pipila ng mahaba, deretso kana sa Epass, iscan lang passport mo at alising sa salamin as per instruction after scan at good to go kana, wala nang interview at presentation ng documents sa immigration.

Step 5. To claim your 950 Pesos dumaan muna sa Gate 2 katabi noon ang Philippine Airline reimbursement desk, (NAIA Terminal 1 only). Ipakita ang inyong reimbursement tag sa staff at ang inyong OEC and passport. THen proceed sa desk for verification, at ibibigay nadin ang inyong pera.

Step 6. Go to your assigned gate for flight boarding schedule.

Note. Malaking tulong ang etravel app at ang epassport nyo dahil mabilis ang processos sa immigration, egate na ang daan.

Happy Journey mga ka OFW>

Tuesday, March 17, 2026

Active Middle East Flights bounding to Saudi Arabia, Dubai, Abu Dhabi, Kuwait, Bahrain and Oman

 Sa lahat po ng OFW at balik manggagawa, medjo pahirapan parin po ang booking ng airline pabalik ng middle east dahil sa lumalalang gera ng iran at USA.

Kung need nyo po bumalik sa trabaho dahil kayo ay nakabakasyon lang, pwede nyo po i check ang website directly ng mga airline, at huwag gumamait ng online agent gamit ang bookings dot com, or cheap o air etc.

Kapag online agent ang gamit nyo hina ninyo agad agad or maaring non refundable ang inyong biniili na ticket, pero kapag direct website kayo ng airlines ay maaring ninyo mar refund ang binayad nyo kung sakaling ma cancel ang flights.

Ang mga airline na mga bumabyahe papunta ng middle east with limited flights ay

Saudi Airline

Oman Air

Cebu Pacific

Saudi Airline direct website : https://www.saudia.com

Oman Air : https://www.omanair.com

Cebu Pacific: https://www.cebupacificair.com

Yan po ang mga direct link.

Yung mga babalik po ng bahrain ay pwede kayo mga SAudi Airlines and bus going to bahrain via causeway

Hindi po lahat ay direct flights, pero makakarating kayo sa destination country ninyo.

Ingat po ang lahat.

Saturday, February 21, 2026

Male Only, Urgent Hiring in Saudi Arabia for Burger King, Texas Chicken and Buffalo Wild Wings Restaurant

 Sa mga pinoy males na gustong magtrabaho abroad sa Saudi ay may offer ang PIRS agency with no fees to be collected, libre ang pamasahe papuntang saudi arabia para magtrabaho, ang qualification age ay from 22 to 27 years old sa mga lalaki lang muna ang available.

Ang sweldo na offer ay sr1,500 at my food allowance na sr 300 monthly at my free accomodation with transport. Ito ay isang magandang offer dahil napakamahal ng upa ng mga apartment sa middle east ngayon lalo na tumaas nadin ang bilihin ng pagkain. Ang food allowances na binibigay sa mga manggagawang pilipino ay isang malaking tulong kung ikaw ay marunong magtipit at dumiskarte sa arawa araw na budget.

Sa mga interisado pumunta lang sa PIRS Agency located sa 4th floor SKK Building 63-65 Sen.Gil Puyat San Rafael District Pasay City. Eto ang pinopost ko bilang tulong sa mga kababayan na gustong magsimulang mag abroad na walang gastos. Pwede rin kayo mag email sa philcangoskilledhirings@gmail.com o tumawag sa 0063-920-567-7165

Paalala lang po na para hindi kayo pabalik balik sa agency kelangan dala nyo na ang inyong valid passport at nbi clearance for abroad; at siguraduhing healthy kasama na ang mga ngipin, para qualified agad.

Sa usual na mga nagaaply ang babayaran nyo ay ung medical at ang PDOS na mura lang naman; ang bayad na yon ay hindi related sa agency.

Goodluck sa mga mag aaply.

Monday, October 27, 2025

Riyadh, Nesto Supermarket Urgent Local Hiring

 Sa mga kabayan sa Riyadh Saudi Arbia na naghahanap ng trabaho for local hiring pwede nyo subukan mag apply sa Nesto Supermarket na my urgent hiring for local transfer.

Eto po ang mya posisyon na naka paskil para sa local hiring, CCTV Technicians (at least 3 years experience), CCTV Cabling and Technician Supervisor (at least 3 years experience) at IT Support Specialist (1 Year experience)

Ipadala po ang inyong resume via Email: hr@nestogroup.com

Maari po kayong tumawag sa Mobile Number 0569913057 

Thursday, July 17, 2025

Online Contract Verification on OWWA (for OFW)

Sa mga OFW ng balik manggagawa na nagpalit ng Employer o di kaya sa mga bagong OFW na kelangan mag pa verify ng Contract ay magagawa na ito Online with Electronic Verification.

Hindi na po natin kelangan pumunta ng OWWA sa embassy man or remote branches lahat magagawa na po natin sa online pati nadin ang pag bayad.

Paano , eto po ang steps

Step 1: Sign up / create account sa website nila : DMW.DATAFLOWGROUP.COM

- Enter Email address, at OTP (6 digit) isesend sa email for verification.

Step 2: Upload mo lahat ng scanned required documents, gaya ng Passport, Residence ID (sa ibang bansa), signed Employment Contract

Step 3: Payment - Convenience Fee (Online Payment)

Step 4: EKYC Identity Check

- mag Selfie Kasama ang Passport or Selfie sa Residence ID (Sa ibang bansa) - at i upload

- Video Selfie - at iupload

Step 5: Approval and Download

- Maghintay with 3 to 4 Days

- makakareceive ng email after Approval

Step 6: Payment - Verification Fee (Online Payment) 

Step 7: Download your Verified Contract Report

- OEC will be availabile within 24 hours at the portal.


Friday, July 4, 2025

OEC Renewal na Mabilis

 Sa mga kapwa nating OFW

Sa mga pagkakataong hindi maiwasang pag alala at baka magka aberya sa araw at orang ng inyong paglipad, hindi na po maripan humingi ng tulong sa ating OWWA representative.

Ang mabilisang aksyon at tulong ay nasa NAIA 1 Terminal, subok ko na po ito, sa ilang beses ako nagkakaroon ng problema sa immigration sila lagi ang tumutulong sakin.

May pagkakataon na hindi naveverify ng system ng immigration ang impormasyon ng isang ofw sa owwa portal at kung saan nandoon ang owwa para tumulong, mababait at maasikaso po sila., wala akong masabi sa serbisyo at tulong na ginagawa nila.

Meron akong isang kaibigan na nahirapan talaga makapag renew ng kanyan OEC online at doon lang sa airport terminal 1 owwa ang mga nakatulong sa kanya, maayos at maasikaso po sila.

Maligayang paglalakbay mga ka OFW


Wednesday, June 11, 2025

OWWA Membership Renewal Depende sa Region ang madaling Pag renew

Ang OWWA membership renewal ay hinda pare pareho na madaling mag renews, base eto sa karanasan gn ating mga OFW at ako nadin.

Napansin ko na mas madaling mag renew ng OWWA membership sa mga probinsya kung ikukumpara mo sa Manila. Sa totoo lang mass mainan na huwag na mag renew sa manila area sa kadahilanang mauubos lang ang pera mo at oras, at bukod pa doon ay papahirapan ka ng OWWA office lalong lalo na sa main.

Kahit ito ay renewal lang ang dami pang hinihingi na documento bukod doon sa proof of payment or resibo mo noon last renewal at kahit may dala kang exit-reentry pabalik sa the same employer mo. Bukod sa mga dokumentong eto na nagpapatunay na myembro ka at babalik ka sa parehong kumpanya or employer hiningi padin nila ang original copy ng visa mo (ung unang beses na pag punta mo sa employer) at pati nadin ang verified copy daw ng kontrata (ang pagkakaalam ko base sa ibang ofw na nagrerenew kahit sa abroad kekelanganin lang ang verified copy ng contract kapag nagpalit or lumipat ka ng employer). Sa ginagawang eto ng owwa ay tila panggigipit sa mga ofw na nasa manila, at kung galing kapa ng probinsya ay wala kang mapapala.

Kaya mas mainam na sa provincial offices nalang mag renew ng owwa membership dahil dito base sa karanasan ko ay napasimple, exit reentry visa lang, lumang resibo at copy ng iyong latest passport ay sapat na dahilt ito ay nakikita naman nila sa system tracking nung last renewal mo.

Kaya mga ka ofw; umiwas na tayo sa manila owwa at siguradong pahihirapan lang kayo, magbabayad na nga pahihirapan kapa at hindi maayos ang trato ng mga empleyado doon.

Sa probinsya nalang mag renew, mabilis, maayos at mababait pa ang mge owwa employees sa probinsya.


Saturday, February 22, 2025

Paano Makakuha ng 20,000 Pesos sa OWWA

OWWA 20,000 Pesos Balik Pinas Balik Hanap Buhay Program

Sa mga balik bayan na uuwi at pauwi ng Pilipinas ay maari kayong makakuha ng 20,000 Pesos kahit pa hanggang 3 taon mula nang dumating kayo sa Pilipinas.


Ang programa ng OWWA na Balik Pinas Balik Hanap Buhay lively hood program ay para matulungang bigyan ng puhunan ang mga Balik bayan Active or Inactive members na kahit may dalawang beses lang nagbayad ng owwa contribution.

Ang 20,000 pesos na makukuha ay maximum na amount sa mga regular owwa members na nagbayad ng mahigit 3 beses at kung mas kaunting kontribution ang makukuha na pinaka mababang halaga ay 5,000 pesos.

Kung gusto maka avail ng programang ito ay kelangan lang bumisita sa kahit na anong owwa centers sa lugar ang mag fill the application forms at mag submit ng requirements.

Itong inpormasyon na ita ay galing mismo sa owwa, at ang makukuhang tulong na amount sa livelyhood ay ayon sa inyong tagal ng contribution, huwag mag expext ng 20,000 na makukuha kung ikaw ay isang beses or dalawang beses lang nag contribute.

Kaya sa mga kapwa nating OFW siguraduhing nagbibigay tayo ng contribution every 2 years, para kung ano mang ang mga programang mabibigay sa mga x ofw ay makukuha sa future.

Best of Luck sa lahat.

Saturday, November 9, 2024

Manila Philippines 2024 New International Airport (NAIA) Terminal Airline Assignments

Philippine International Airport (NAIA) was able to successfully hand over the Airport to the New Management and Owner (San Miguel Corporation) and the start of improvement is to re assign airlines terminals to a much easier and understandable to all passengers.

All International Airlines Flights except Philippine Airlines will shift its operation at Terminal 3

All Philippine Airlines International Flights will shift its operation to Terminal 1

All Domestic Airlines Flights including Philippine Airlines operations will be in Terminal 2.

Terminal 4 will be close for further announcement.

Some fees will be change but the process of travelling will be more convenient.

Egates for Immigration will be improve to accommodate more passengers and baggage handling will be improved. 

All airline lounge will be available for each terminals and OFW supports will be available for all terminals with the cooperation of DMW to continue its support and service.

All transit bus operating route of all terminals manage by Airport Authority will continue to be free of charge.

All paid transport service will have their own stations and table rates for the routes that is approved by the airport authority; complaint desk will be available to support all passengers.

San Miguel Corporation guarantees a better service and to provide good contractors for supervisions and security.

Saturday, July 6, 2024

Pull out Driver, Nissan Santa Rosa Urgent Hiring

Nissan Santa Rosa Laguna Needs Urgent Pull Out Driver

Tetra Sales and Services Corporation, Join our team! We are hiring a Pullout Driver for our Nissan dealership. If you're reliable and have a passion for driving, we want you! Apply now and become a part of the Nissan family.

Can Drive Automatic and Manual Vehicle; Must have Drivers License, Must have minimum of 1 year driving experience; Can start as soon as Possible

Email to send your CV/Resume to ianvibal7@gmail.com (Ms. Larian Vibal)

Search This Blog