Sa mga OFW na balik manggagawa or sa bagong OFW ang bagong halaga na makukuha nyo sa airport before boarding ay 950 pesos sa lahat ng airlines, pero itong post ko na ito ay specific kung pano nyo makukuha sa Philippine Airlines sa NAIA Terminal 1 dahil ito ang latest procedure ngayong June 11 2026.
Sa mga nag oonline booking at merong online checkin boarding pass, siguraduhing dumaan muna sa check in counter para makuha nyo ang re-inversement tag. (eto ay kamukha din ng Boarding Pass).
Sa mga normal via counter check-in ay ganun din, 2 cards ang makukuha nyo, boarding pass at re-inversement tag na kamukha din ng boarding pass.
Step 1.Upong check-in kelangan nyo ipakita as usual sa counter ang inyong printed OEC slip at visa or exit-re entry visa sa mga balik manggagawa.
Step 2. Upon security check ipakila lang ang boarding pass at passport.
Step 3. Immigration Check, siguraduhing nakapag fill up online the etravel, at kung hindin mag fifillup ka manually sa form gaya ng dati at kelangan mo ng ballpen, dahil wala kang mahihiraman, mas matagal ang processo.
Step 4. Pumila sa OFW immigration dala ang documento na passport, boarding pass, visa or exit reentry visa, at OEC. (Mas mabilis ang processo kapa epassport ka at nakapag fill ng etravel, dahil ituturo ka ng immigration officer sa E-pass at hindi kana pipila ng mahaba, deretso kana sa Epass, iscan lang passport mo at alising sa salamin as per instruction after scan at good to go kana, wala nang interview at presentation ng documents sa immigration.
Step 5. To claim your 950 Pesos dumaan muna sa Gate 2 katabi noon ang Philippine Airline reimbursement desk, (NAIA Terminal 1 only). Ipakita ang inyong reimbursement tag sa staff at ang inyong OEC and passport. THen proceed sa desk for verification, at ibibigay nadin ang inyong pera.
Step 6. Go to your assigned gate for flight boarding schedule.
Note. Malaking tulong ang etravel app at ang epassport nyo dahil mabilis ang processos sa immigration, egate na ang daan.
Happy Journey mga ka OFW>
No comments:
Post a Comment