Thursday, July 23, 2026

Tapusin ang Kontrata Para Walang Problema

 Maraming mga kababayang ofw sa ibat ibang bansa ang hindi nakakaraos sa stress. Lahat ng tao ay kelangan ng pera kaya dapat huwag natin madaliin ang ating naging landas sa trabaho, ang pasensya sa trabaho ay ang susi sa kapayapaan ng ating buhay hindi lang sa pinansyal at pati narin sa emosyonal.

Kapag tinapos ang iyong kontrata na kahit kaonti o walang ipon, isa parin itong tagumpay sa buhay, hindi dahil nabigay mo ang pangagaylangan pinansyal ng pamilya kundi dahil ikaw ay magtatapos sa iyong trabaho na walang problema.

Tama naman ang iniisip ng bawat isa na pera ang pinunta natin sa ibang bansa. Minsan sa pagmamadali na kumita ng mas malaki ay pera din ang nagiging problema.

Ang hindi pagtapos ng kontrata sa trabaho ay may kabuntot na bayarin. Ang employer ay syang gumastos ng para ikaw ay makarating sa iyong bansang pagtatrabahuan. Kaya ito rin ay babawiin sayo kapag hindi mo tinapos ang iyong kontrata. Minsan pag minalas pa ay mawawalan ka ng trabaho dahil sa iyong lilipatang ay makikita na hindi malinis ang iyong pag alis sa ibang kumpanya.

Kelangan nating matutuo sa mga karanasan ng iba. Para po sa lahat ng ofw, dagdagan natin ang ating pasensya at tyaga.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog