Kung dati ay kulelat ang Pinoy Airline na Philippine Airlines sa mga Middle East Flight na eroplano, ngayon ay hindi na at higit pang mas maganda sa ibang Middle East Airlines.
Mga kantsaw noon ng mga Pinoy sa eroplano ng PAL papunta at pabalik ng middle east ay:
Maliit
Masikip
Kitkat lang ang pagkain
Skyflakes lang ang pagkain
Walang entertainment
Hindi masandal ang upuan
Walang giv aways.
Ngayong June 2026 ay nag bago na ito, maipagmamalaki mo na sa mga foreigner na sumasakay, komportable, malaki, maluwang ang legroom kahit sa economy, ang daming give aways, malaki ang infotainment screen at comportableng mga upuuan, nahihiga na. Naranasan ko mismo ito mga ka OFW>
Nawala ang homesick ko, dahil sa hindi ko inaasahan sa pagpasok ko sa loob ng eroplano. At mga kasamahan sa eroplano na OFW ay talaga naman napa WOW.
Bukod sa nagbago nadin ang menu, ay masasabi ko na sulit talaga ang binayad ko, sa dami ko na napanood na bagong pelikula at magandang headset, ang sarap sumakay sa sariling bansang eroplano.
Isa rin ang napansin ko, marami mga pasahero na ofw ang hindi nalungkot dahil umalis ng bansa, lahat ay nabighani, ako man ay excite pagupo ko. Pagdating sa Riyadh, ay parang ayaw ko pa bumaba ng eroplano dahil ang sarap din ng tulog ko.
Nasa economy class ako sa gilid malapit sa bintana, pero ang pakiramdam ko ay nasa comfort class ako (advance seat ng PAL).
Nanibago din ako sa pagkain, talaga na naman marami napa wow, at pwede ka pang humingi ng beer. Mababalit din ang mga crew, nakadami din ako ng kape. Ito na ang sinasabi kong pag babago sa PAL, sa tagal kong bumabyahe sa middle east ngayon proud na ako sa airline, at masasabi ko na sa mga arabo at ibang lahi na ang Philippine airplane ay excellent.
Mula ngayon hindi na ako magdadalawang isip na bumili ng PAL ticket, kahit na ito ay mas mura sa iba noong panahon na bumili ako pakiramdan ko ay naka emirates o qatar airways ako.
No comments:
Post a Comment