Monday, September 1, 2014

Puno ng Mangga

Sa mga OFW, naku po, siguradong homesick na naman kayo kapag naalala nyo ang maasim na manamis namis na mangga natin sa Pilipinas. Bibihira kasi sa ibang bansa ung mangga na tulad sakin, meron at maraming klaseng mangga sa ibang bansa pero iba parin talaga ang lasa ng mangga satin, lalo na ung manggang hilaw at isasaw saw mo sa toyo na may asin o kaya toyo na my maanghang na siling labuyo.


Bihira na satin lalo na sa Maynila ang mga ganitong puno ng mangga na perpekto ang tubo, kung maibabalik lang ang mga panahon, sana dinamihan ang pag tanim ng mangga, sa panahon ngayon hindi na talaga itong pwedeng itaning lalo na sa mga lugar na sementado o di kaya sa mga subdivision, matindi kasi ito makasira ng semento, bakud at pader ng mga bahay dahil sa lakas ng kanyang mga ugat.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog