Monday, September 15, 2014

Ilog sa Probinsya

Napakagandang tanawin, maliwanag, magandang simoy ng hangin at higit sa lahat ay walang amoy na mabaho. Ganito ang mga ilog sa probinsya, malinaw kitang kita lahay, pwede mangisda at walang squatters sa gilig ng ilog.


Ang pinagtataka ko, eh magaan naman ang buhay sa probinsya pero ang mga tao ang nakikipagisksikan at nagtitiis sa mabahong amoy sa maynila. Siguro kung doon ka nagtatrabaho eh ok lang, pero kung hindi ka naman doon nagtatrabaho mas maigi pa sa probinsya nalang, kahit na walang pera ay mabubuhay ang mga tao.

Inaamin ko, nagpunta din ako ng maynila para magtrabaho, nagkaroon naman agad ako ng trabaho, pero kung isusuma total mo eh parang lugi parin ako sa sinasahod ko, dahil maraming gastos sa pamasahe at mahal na presyo ng pagkain sa maynila, kaya nagpursige ako bumalik sa probinsya upang doon nalang magtrabaho, nakahanap din naman ako ng trabaho sa probinsya, kahil maliit ang sweldo masaya at komportable ako, wala kang iisipin na utang o di kaya sa pagkain ng masustansya. Ngayon nasa abroad ako nang dahil nadin sa trabaho ko sa probinsya noon, mismo ang mga kompanya sa ibang bansa ay nagpupunta sa mga probinsya sa pilipinas upang maghanap ng trabahador, kung ikaw ay nasa manila sigurado pupunta kapa sa agency para maghanap ng trabaho at syempre katakot takot na placement fee.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog