Sunday, August 31, 2014

Inihaw na Baboy

Kapag ako ay umuuwi sa pilipinas ito talaga ang una kong kinakain, hanggat maari ito ang dapat at ito ang unang malasap. Iniisip ko palang ay naglalaway na ako, lalo na kapag isasaw saw mo sa toyo na may kalamansi at may halo pang atsara.


Pero medjo ingat din dahil mataas ang cholesterol nito, pwede naman na pakonti konti lang at pagkatapos ay bukas naman ulit, ay pwede din naman na konting kain pero my beer or brandy.

Sa dami ng pinoy resto satin, iba't ibang klase ng luto ang ginagawa nila sa inihaw na baboy, pero sa totoo lang kapag ito ay wala gaanong mga sangkap at simple lang ay mas lumalabas ang lasa nya, sinubukan kong magluto nito at nilagyan ko lang nga asin, habang iniihaw ay pinapahiran ko ng kalamansi, swak na.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog