Wednesday, August 6, 2014

Sizzling Sisig

Kamakailan lang ay kinilala ang lutong pinoy na Sizzling Sisig sa Amerika, nabasa ko lang ito sa isang artikulo. Mula sa Bayan ng Bacolod City, dito ako nakatikim ng Sisig Rice, tamang tama lang sa panlasa ko, hindi sya masyadong malansa at hindi rin masyadong maalat, ito ay malinamnam sa panlasa.



Karaniwan nating inoorder ang sisig sa mga inuman bilang isa sa ating pulutan, katunayan makakbili nga tayo ng delata nito. Dahil ako ay ofw, kapag ako ay umuuwi ng pinas, minsan meron di inaasahang biglang dating na mga kaibigan o bisita so kaya naman mapapainum na naman, para quick solusyon sa galanteng pulutan, bumili ako ng sizzling plate, at ung delata na sizzling sisig ay pinapabuksan ko at pinahahaluan ng itlog at konting butter at sibuyas at wallahh! Meron nang kaanya anyayang pulutan, syempre ang technique jan huwag mo ipapakita sa bisita mo na delata lang ang sisig mo, kaya bilib sila akala nila nakakagawa kaagad ako ng pulutan na sisig. Tip na yan sa mga OFW, ganyan lang kelangan natin para matipid. Sa susunod ko na blog ikekwento ko kung pano nyo mabilis lasingin ang inyong bisita!

No comments:

Post a Comment

Search This Blog