Nakakatakam at nakakapaglaway kapag naamoy mo ang usok ng barbique sa kanto or bar-b-q. Kapag ako ay umuuwi ng pinas ang una kong hinahanap na pagkaing kalye ay ang isaw, tlaga namang nakakapag pabata.
Sa mga teenager nung panahon ko eto na ang tanging libangan ang masarap na isaw, lalo na kapag itong isasaw saw mo sa sukang my anghang at sibuyas, o di kaya sa mga chicks ay tamis anghang na sauce. Grabe nakakapaglaway minsan halos hawak ko na ang buong garapon at nakababad ung mga 6 na isaw na binili ko sa saw sawan na maanghang habang nginunguya ko ang isang stick na mainit init at my tamis anghang, tapos sinasabayan ko ito ng sprite o mountain dew, pag medjo budgeted tubig nalang sa plastic cups.
Delikado daw ito sa kalusugan, pero yun nga ang masarap lalo na ang bawal. Baka daw magkasakit tayo, yun ang narinig ko sa isang mamang kasabay kong kumain, paano ba naman pagbaba ko sa bus sa Alabang nangangamoy ang inihaw na manok at mga kila at dugo at kung ano ano pa, syempre gutom ako kesa kakain ako sa restaurant o di kaya magluluto pa ako sa boarding house, titirahin ko na ang isaw na nakadisplay. Pero pwera biro, minsan kumain ako my batang nanghihingi sa tindero, eh ayaw ng tindero bigyan, sabi ba naman nung totoy eh hindi nya na daw ipagpupulot ng stick ang tindero.
No comments:
Post a Comment