Saturday, August 23, 2014

Vikings Manila

Nagkaroon ako ng pagkakataon na malibre ng Kumpare at Kumare namin sa Vikings Manila. Kaya pala napakahiram at pinagkakaguluhan ito ng mga pinoy sa manila, sa reservation palang nagtataka ako bakit lunch time palang eto kinoconfirm na ng kumare at kumpare namin.

Ang syste eh ung iba pala na gustong pumwesto doon sa bandang harapan at malaking lamesa ay 1 month daw ang reservation kung madalian ang pinaka late reservation ay at least 8 to 6 hours pero hindi kana makakapili ng upuan at doon sa loob or sulok, pero ok lang same treatment at same rates padin naman.


Ang Vikings Manila ay nagiisang Eat All You can restaurant sa Pilipinas na halos kumpleto sa lahat ng pagkain at inumin, kung ikaw ay malakas uminon parang nabawi mo nadin ang binayaran mo. Ang alam ko as of May 2014 ang weekday rates nila ay nasa 800 plus pero kapag weekends ay nasa 1 thousand plus. Masasabi kong sulit din ang kinain ko, dahil one to sawa talaga lahat na yata ang pagkain eh nandoon na mula sa Filipino Cuisine (Mula sa lechon, papaitan, lechon kawali, dinuguan, pata tim, kare-kare, bulalo, hipon, sinigang, puto, sapin sapin, talaba, etc), chinese, japanese oriental, basta lahat nang gusto ko nandon, kung di mo gusto ung nakahanda pwede kadin magpaluto kung gusto mo ilalagaw nila sa lamesa mo ung my apoy, ang problema lang eh hindi mo naman makain lahat, sa inumin naman meron silang beer at draft beer, all you can drink din at ganon din sa mga juices at other drinks, kasama yon sa binayaran mo, sa mga kiddos naman, basta lumampas sa height na 4feet eh kasali na sa presyo, kaya kung ang anak mo mahina kumain eh lugi ka, pero marami ding pagkain pambata kahit candy at chocolates meron din.

Ang Vikings Manila eh banda doon sa likod ng MOA, sa susunod titikman daw namin ung ibang restau doon na eat all you can din. Sana di ako masuka sa dami ng pagkain.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog