Naku po, isa na namang pampabatang larawan, lahat po ng larawan ay orihinal kong kuha at hindi ko po ito kinukuha sa ibang website. Eh to po ay ang larawan na kinunan bago ko kinain at pinulutan, eto ang Lechon Kawali.
Simple lang naman ang pag gawa pala, ginoogle ko lang din naman, nagpabili lang ako ng baboy laman mas maganda ung hita yun gaya nang ginagawang crispy pata. Ang pagkakaiba lang nito ay hindi dapat irefrigerate at baka mahilaw ang loob kapag pinrito na, ang crispy pata kasi eh deep fry, ang lechon kawali naman eh mantika lang. Kelangin din itong imarinate sa kalamansi o di kaya lemon, tapos konting asukal at asin. Takpan ito ng kalahating araw, kapag lumabas na ang ibang dugo at mga taba dahil naluluto ito sa lemon o kalamansi pwede na itong prituhin. Hilamusan ng butter ang buong lechon at kung meron kang pinapply juice mas ok.
Siguraduhing mainit na ang mantika ung medjo umuusok ng konti para siguradong hindi didikit ang balat sa kawali.
No comments:
Post a Comment