Monday, August 25, 2014

Palaka

Eto ang kuha ko ng palaka habang umuulan sa Pilipinas, sa mga hindi pa nakaka titig at hindi pa nakakasipat ng palaka eh pagkakataon nyo na ito.


Nung bata pa ako takot din ako sa palaka dahil daw kapag natalsikan ka ng laway nito o ung gatas nito ay magiging kulugo, at ganon din sa mata ay mabubulag ka daw. Sa tagal kong tinititigan ng harapan ang palakang ito eh wala naman akong nakitang panunura nya at wala naman syang gatas na dinudura, ewan ko lang kung totoo nga yon. Ang natatandaan ko lang eh marami akong nahuli nito para sa biology subject namin nung highschool para sa project.

Ang isang bagay na gusto ko sa palaka ay nakaktulong sya sa pagbawas ng mga langaw at lamok lalo na ung lamok na my dengue. Kaya mas maraming palaka sa inyong bakuran ay mas maganda, kelangan huwag patayin dahil ito ay my tulong din saatin.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog