Para sakin world class nadin naman ang environment nang NAIA Terminal 3, kung maikukumpara sa ibang International Airport or Domestic Airports sa ibang bansa na napuntahan, kahit papaano ay satisfied naman ako sa itsura, environment at sistema.
Kapag ako ay nagbabakasyon sa Pinas kasama ng aking pamilya, halos lahat ng airport sa maynila ay napupuntahan ko mula sa NAIA Terminal 1, Centennial or NAIA Terminal 2, NAIA Terminal 3 at minsan ung old Domestic Airport (Terminal 4 daw yata yon). So far ang pinaka worst at nakakahiya ay ang NAIA Terminal 1, siguro dahil nung panahon ng bakasyon namin ay sira ang mga Aircon, isinusumpa ko talaga ung init, dahil hindi lang init ang mararamdaman mo kundi mabaho at malagkit, halos nagiiyakan ang mga batang nasa immigration galing ng ibang bansa, ung iba naman sa departure ganoon din, napansin ko lang hah, meron nga silang air cooler na nilagay pero bukod sa hindi kaya ang init (dahil summer nung panahon na yon- march to april yata) eh nakatutuk sa mga employado ung aircooler at hindi sa pangkalahatan.
Masasabi kong fair lang ang obserbasyon ko sa Terminal 2 (Centennial) dahil ok naman ang environment, bukod sa mga kolorum na nakatambay sa labas, dati dati eh malakas ang loob kong lumabas sa mga arrival areas sa pinas dahil umaasa ako na nanjan ung mga pinagkakatiwalaan kong transport service or airport taxi, unang una na jan ung may logo na "BAYAN KO SAGOT KO" wala akong masabi sa kanilang serbisyo at ang presyo ay patas naman, medjo malaki sya sa metro pero sulit naman at mababait ang mga drayber, kaya doon nako lagi nagpapasundo o nagpapahatid kapag wala akong private na sundo. Pero sa pagkakataong yon ay nagulat ako dahil itong 2014 na paguwi ko, eh wala na sila, iilan nalang at parang initsa pwera sila ng authoridad dahil sa pinaka malayo nakaparada, bagkos ang pinatataka ko ay napakadaming kolorum, nagulat ako sa presyo, mula airport terminal 2 hanggan ermita lang ako 1,500 pesos ang singil, ang tinde... samantalang doon sa pinagkakatiwalaan kong transport service ay kalahati lang noon ang bayad ko sa same destination. Nakakainis dahil medjo bastos pa ang kanilang caller, me radyo panga pero mukha naman tanga.
Unang byahe ko nang taong 2014 sa Terminal 3 ay ayos na ayos dahil satisfied ako sa lamig ng aircon at sistema, nung pangalawa eh medjo bumaba ang bilib ko, bukod sa napakaraming tao doon sa pila lalo na ung mga domestic airlines, eh pagdating ko sa gate number namin sa ilalaim eh napakainit, hindi na sya amoy airport kundi amoy pyer na siya. Alam nyo ba ang amoy piyer? Merong halong kulob, amoy ng storck na candy, sigarilyo at mabahong damit na pinagpawisan. Sana mabago ang mga terminal natin dahil nakakahiya na talaga sa mga dayuhan.
Nung nasa karousel ako para kunin ang bagahe namin sa NAIA Terminal 1, nakita ko ang mga mukha ng mga foreigner na nagsisisi at frustrated, bukod sa mainit walang tamang information kugn saan kkunin ang iyong gamit , meron ngang LCD TV pero puro advertisement naman, sabi ko sa katabi kong foreigner eh, "i am very sorry for our government".
No comments:
Post a Comment