Makulimlim at preskong hangin. Dito sa probinsya ito ang pinaka namimis ko, dahil ako ay isang ofw na nagtatrabaho sa middle east, ang mga katulod ko ay sabik sa mga ganitong panahon. Masarap sayangin ang bakasyon sa mga ganitong sitwasyon, nakaupo at nagmamasid sa kapiligiran, masarap langhapin ang simoy ng hangin, lalo na kapag malapit nang umulan at my malamig na simoy at makulimlim na kalangitan.
Sa mga ganitong pagkakataon parang ayaw ko nang bumalik ng ibang bansa para magtrabaho, ngunit ano ang magagawa ko, hindi ko kayang kitain dito sa sariling bansa sa pinas ang kinikita ko sa abroad, pano ko mabibigyan ng maayos na tirahan at paano ko mapagaaral ang mga anak ko kung sa pinas din ako kikita. Sa tingin ko ang kelangan ng isang ofw ay puhunan at makapagisip ng maayos na ikabubuhay tulad ng negosyo sa pilipinas. Sa tining ko kung ikaw ay ofw at gusto mong magnegosyo imposibleng hindi ka aasenso kapag ito ay tinututukan, ung ibang bumabagsak na negosyo ay dahil sinasamahan ng bisyo o di kaya kulang sa stratehiya.
No comments:
Post a Comment