Kahit ganito ang itsura ng kalsada ng Tabaco sa Albay Bicol Region, nakikita ko na sa isang probinsyang katulad nito ay may mga pinaka respetadong nasa serbisyo tulad ng mga pulis. Masasabi kong respetado dahil ang mga tao ay sumusunod sa mga batas trapiko, lalo na sa tamang babaan at sakayan at maging nadin sa pedestrian.
Isang probinsyang may mga mamamayan na gumagalang sa kinauukulan ay isang lugar na respetado at kahit marami sa pursyento ng mga mamayan sa Tabaco Albay ay hindi man nakapag tapos ng pag-aaral, marami sa kanila ang natural na mababait at masunurin. Simple lang buhay sa bicol, hindi magastos, nagbibigayan ng ulam at higit sa lahat malalapit sa diyos.
Ang Tabaco City ay matatagpuan sa East side ng Bicol Region na nasasakupan ng Albay sa may bandang paanan ng Mayon Volcano. Hindi man natin madalas marinig ang lugar na ito ngunit ito ay isang daanan papunta sa mga kalapit na isla o probinsya tulang ng Catanduanes. Mula Legazpi Albay ito ang may hanggang 10 Kilometers lamang.
No comments:
Post a Comment