Monday, May 13, 2024

Bagong Procedure ng PAL sa pag claim ng Ticket Tax refund ng OFW

 OFW kabayan, lalo na mga balik manggagawa, meron na namang new procedure para makuha mo ung 550 Pesos refund mo sa ticket base ito sa experience ko last April 2024 nung pagbalik ko sa abroad.

Sa NAIA terminal 1 at sa iba pang terminal noon ay napakabilis lang ng pagkuha ng refund, ang requirements, boarding pass, OEC at passport pila kalang saglit at ipakita ang mga ito tapos makukuha mo na ung 550 pesos, ngayon nagulat ako parang pinahirap.

Mas maiinis ka kapag mahaba na ang pila at pagdating mo doon sa claim eh may kulang pa pala. Kelangan mo muna pumunta doon sa boarding gate para humingi ng printout for claim, tapos babalik ka ulit doon sa taass para pumila ulit. Ang pinagtataka ko lang bakit ginawang kumplekado.

Sana doon nalang din sila tumambay sa malapit sa airline boarding gate.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog