Tuesday, May 26, 2020

OFW Department Philippines

Sa Desyembre ngayon 2019 ay ang nalalapit na pagbubukas ng isang Departamento ng Gobyerno ng Pilipinas para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ito ay ang OFW Department para sa mga Landbase Workers at Seabase Workers o sa mga trabahador na legal na nagtatrabaho sa ibang bansa o di kaya illegal na dapat iligtas ng gobyerno.

Ayon sa Balita ngayon July 15, inihayag ni Presidente Rodrigo Duterte ang pag oorganisa ng Departamentong OFW at magbubukas sa serbisyo simula ngayon December. Ang mga OFW ay natutuwa sa ganitong balita, ngunit malalaman lang natin ang kakayahan nito pag ito ay na implementa na, kelangan maramdaman ng mga ofw ang ginhawa ng pagprosesso sa pag alis, pag apply at paraan ng pagrerenew ng mga dokumento gaya ng balik manggagawa. Kelangan ng mga nag aabroad ang mabilis na processo walang kalituhan at maayos na sistema sa pag rerenew.

Sa balitang ito, sinasabi na ang lahat ng Recruitment Agencies for abroad ay mapapasailalam sa sistema ng gobyerno at saklaw nito ang one stop shop na process, ibig sabihin sa isang puntahan mo nandoon na ang lahat na dapat asikasuhin at hindi kana palipatlipat. Kelangan ng OFW ang malinaw na Sistema at instruksyon, lalo na sa mga household workers. Sa aking pagkakaintindi nandoon na ang lahat, OWWA, POEA, SSS, Pag-Ibig, Agencies, at ibang ameneties na kekelanganin ng mga ofw sa pag processo.

Sa ngayon kelangan ng mga OFW ang tulong sa mga pag asikaso ng kanilang mga benepisyo.

OFW Balik-Pinas! Balik-Hanapbuhay! Program

Sa mga returning OFW's meron po tayong pagkakataon mag simula ng sarili nating negosyo sa pamamagitang ng hanap buhay program ng OWWA, Kahit ikaw ay active or non active member ibig sabihin kahit hindi ka nakabayad nung nakaraang OWWA renewal ay qualitfied ka parin. Kapag ikaw ay na relieve or natanggal sa trabaho dahil sa mga hindi mo inaasahang pagkakataon at napauwi ng ating bansa.

Ayon sa website ng OWWA kapag ikaw ay biktima ng mga hindi mo inaasahan o hindi mo control tulad ng termination, reforms ng bansang pinagtrabahuan, biktima ng illegal recruitment, human trafficking or kahit na anong distress na sitwasyon.

Ang OWWA ay nagbibigay ng mga started kit para makapag simula at training sa kung anong negosyong gusto mong simulan.

Kapag ikaw naman ay sakaling kinapos sa puhunan, makakapag apply kadin ng negosyo loan sa OWWA sa halagang kelangan mo.

Sa tulad nating mga ofw, ay kelangan talagang maghanda at magplano paguwi ng Pilipinas para hindi mauwi sa wala ang ating mga pinaghirapan.

source: OWWA program

OFW Huwag Magpapaloko sa Airport

OFW Huwag Magpapaloko sa Airport at sa kahit na saaang domestic airports.

Mga kabayan, kahit na ang ating paliparan sa bansa ay masasabi nating mas safe na ngayon kumpara noon, kelangan parin nating mag ingat sa mga manloloka at masasamang loob, maraming tao sa airport at hindi maiiwasang may mabilang na masamang tao doon.

Eto ang mahahalagang tips para makaiwas sa abala at masamang loob:
  • Huwag tatanggap ng kahit na ano mang padala o di kaya ride on sa bagahe mo, kahit na kanina, kahit na maganda o gwapo siya.
  • Maging alerto sa mga donasyon na hinihingi o di kaya kuwento ng mga kababayan , minsan raket lang talaga.
  • Palitan nga dollars, mas ok sa official bank exchange currency huwag sa tao na nakaabang.
  • Pag isipan mabuti ang pag bili ng sim card o load mahal ang presyo.
  • Sa byahe, huwag maglagay ng alahas o pera sa bagahe, tandaan lagi dapat itong hand carry.
  • Laging mag tanong sa gwardya or assitance desk kung my kelangan o katanungan.
  • Sa pagbaba ng sasakyan sa departure, sabihin agad sa porter kung kelangan mo sya at ang kanyang push cart, kung hindi naman kunin lang ang pushcart
  • Sa porter, kelangan magbayad sa desk nila, pero nasasayo kung magbibigay ka pa ng tip na pera pagnahatid na ang bagahe mo, hindi dapat kapresyo ng serbisyo ang tip.
  • Sa departure area, meron pong OFW lane, mas mabilis at maluwang.
  • Sa loob ng airport siguraduhing dala lagi at nakatago ang boarding pass, meron mga gates na kelangan ng boarding pass gaya ng pagkakain ka sa jollibee o foodcourt pag baba mo sa terminal hahanapan ka ng boarding pass.
  • Huwag na magdala ng tubig o payong. Bawal ito pagpasok.
  • Bawal ang battery sa bagahe o di kaya sa hand carry.
  • Pag my laptop o mamahaling electronic device ugaliing i hand carry.
  • Ang mga liquid tulad ng alak ay bawal sa hand carry, kelangan sa bagahe sa loob ng bag. Kung makalusot man ito siguradon mawawala na sa desitnasyon mo.
Ilang lang po ito sa mga tips, kaya ingat nalang sa byahe.

Search This Blog