Tuesday, September 5, 2017

Viral Video Ferrero Choco - Ingat mga ka OFW sa Pasalubong

Kitang-kita sa Video ang Uod sa Chocolate na mukhang sikat na Chokolate. Ayon sa Video di naman nabanggait kung anong klaseng Chokolate pero sa mga kapwa kong OFW ingat nalang sa pagbili ng ganitong Chokolate, bukod kasi sa mura ung ganitong klase marami ring promo sa mga tindahan sa ibang bansa lalo na sa Saudi Arabia at UAE. Minsan talaga aabutin ng uuudin ang chocolate lalo na kapag expire na ito, kaya paalala tignan po lagi ang mga expiry date ng inyong binibiling chokolate baka makain ito ng mga mahal nyo sa buhay lalo na sa syota ninyo o nililigawan baka mabasted kapa.
Ang viral video po na ito ay nakita ko sa facebook posted ng isang Americana na sa serbisyo ng military, kaya siguro naman hindi ito magsisinungaling or gagawa ng paraan para masira ang choco company na kamukha ng nasa video, naku kumakain pa naman ako nito masarap kasi. Sa pagbili po ng chokolate lalo na sa mga pasalubong kelangan din nating tingnan bukod sa expiry date pati nadin ang packaging, minsan po dahil ito ay naka promo kelangan check nyo ung package kasi minsan my mga butas na maliit, hindi man ito pasukan ng insekto o uud pero masisira na ang quality dahil sumingaw na papasukin ng moisture.

Mas maiigi pang bumili nalang sa mga Duty Free or sa mga kilalang tindahan. Sa mga tindahan sa ibang bansa merong mga promo na my kasamang mga free items, pero sa duty free wala naman pero sigurado ka naman na bago ito at nasa maayos na lagayan at temperature.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog