Thursday, July 17, 2025

Online Contract Verification on OWWA (for OFW)

Sa mga OFW ng balik manggagawa na nagpalit ng Employer o di kaya sa mga bagong OFW na kelangan mag pa verify ng Contract ay magagawa na ito Online with Electronic Verification.

Hindi na po natin kelangan pumunta ng OWWA sa embassy man or remote branches lahat magagawa na po natin sa online pati nadin ang pag bayad.

Paano , eto po ang steps

Step 1: Sign up / create account sa website nila : DMW.DATAFLOWGROUP.COM

- Enter Email address, at OTP (6 digit) isesend sa email for verification.

Step 2: Upload mo lahat ng scanned required documents, gaya ng Passport, Residence ID (sa ibang bansa), signed Employment Contract

Step 3: Payment - Convenience Fee (Online Payment)

Step 4: EKYC Identity Check

- mag Selfie Kasama ang Passport or Selfie sa Residence ID (Sa ibang bansa) - at i upload

- Video Selfie - at iupload

Step 5: Approval and Download

- Maghintay with 3 to 4 Days

- makakareceive ng email after Approval

Step 6: Payment - Verification Fee (Online Payment) 

Step 7: Download your Verified Contract Report

- OEC will be availabile within 24 hours at the portal.


Friday, July 4, 2025

OEC Renewal na Mabilis

 Sa mga kapwa nating OFW

Sa mga pagkakataong hindi maiwasang pag alala at baka magka aberya sa araw at orang ng inyong paglipad, hindi na po maripan humingi ng tulong sa ating OWWA representative.

Ang mabilisang aksyon at tulong ay nasa NAIA 1 Terminal, subok ko na po ito, sa ilang beses ako nagkakaroon ng problema sa immigration sila lagi ang tumutulong sakin.

May pagkakataon na hindi naveverify ng system ng immigration ang impormasyon ng isang ofw sa owwa portal at kung saan nandoon ang owwa para tumulong, mababait at maasikaso po sila., wala akong masabi sa serbisyo at tulong na ginagawa nila.

Meron akong isang kaibigan na nahirapan talaga makapag renew ng kanyan OEC online at doon lang sa airport terminal 1 owwa ang mga nakatulong sa kanya, maayos at maasikaso po sila.

Maligayang paglalakbay mga ka OFW


Wednesday, June 11, 2025

OWWA Membership Renewal Depende sa Region ang madaling Pag renew

Ang OWWA membership renewal ay hinda pare pareho na madaling mag renews, base eto sa karanasan gn ating mga OFW at ako nadin.

Napansin ko na mas madaling mag renew ng OWWA membership sa mga probinsya kung ikukumpara mo sa Manila. Sa totoo lang mass mainan na huwag na mag renew sa manila area sa kadahilanang mauubos lang ang pera mo at oras, at bukod pa doon ay papahirapan ka ng OWWA office lalong lalo na sa main.

Kahit ito ay renewal lang ang dami pang hinihingi na documento bukod doon sa proof of payment or resibo mo noon last renewal at kahit may dala kang exit-reentry pabalik sa the same employer mo. Bukod sa mga dokumentong eto na nagpapatunay na myembro ka at babalik ka sa parehong kumpanya or employer hiningi padin nila ang original copy ng visa mo (ung unang beses na pag punta mo sa employer) at pati nadin ang verified copy daw ng kontrata (ang pagkakaalam ko base sa ibang ofw na nagrerenew kahit sa abroad kekelanganin lang ang verified copy ng contract kapag nagpalit or lumipat ka ng employer). Sa ginagawang eto ng owwa ay tila panggigipit sa mga ofw na nasa manila, at kung galing kapa ng probinsya ay wala kang mapapala.

Kaya mas mainam na sa provincial offices nalang mag renew ng owwa membership dahil dito base sa karanasan ko ay napasimple, exit reentry visa lang, lumang resibo at copy ng iyong latest passport ay sapat na dahilt ito ay nakikita naman nila sa system tracking nung last renewal mo.

Kaya mga ka ofw; umiwas na tayo sa manila owwa at siguradong pahihirapan lang kayo, magbabayad na nga pahihirapan kapa at hindi maayos ang trato ng mga empleyado doon.

Sa probinsya nalang mag renew, mabilis, maayos at mababait pa ang mge owwa employees sa probinsya.


Saturday, February 22, 2025

Paano Makakuha ng 20,000 Pesos sa OWWA

OWWA 20,000 Pesos Balik Pinas Balik Hanap Buhay Program

Sa mga balik bayan na uuwi at pauwi ng Pilipinas ay maari kayong makakuha ng 20,000 Pesos kahit pa hanggang 3 taon mula nang dumating kayo sa Pilipinas.


Ang programa ng OWWA na Balik Pinas Balik Hanap Buhay lively hood program ay para matulungang bigyan ng puhunan ang mga Balik bayan Active or Inactive members na kahit may dalawang beses lang nagbayad ng owwa contribution.

Ang 20,000 pesos na makukuha ay maximum na amount sa mga regular owwa members na nagbayad ng mahigit 3 beses at kung mas kaunting kontribution ang makukuha na pinaka mababang halaga ay 5,000 pesos.

Kung gusto maka avail ng programang ito ay kelangan lang bumisita sa kahit na anong owwa centers sa lugar ang mag fill the application forms at mag submit ng requirements.

Itong inpormasyon na ita ay galing mismo sa owwa, at ang makukuhang tulong na amount sa livelyhood ay ayon sa inyong tagal ng contribution, huwag mag expext ng 20,000 na makukuha kung ikaw ay isang beses or dalawang beses lang nag contribute.

Kaya sa mga kapwa nating OFW siguraduhing nagbibigay tayo ng contribution every 2 years, para kung ano mang ang mga programang mabibigay sa mga x ofw ay makukuha sa future.

Best of Luck sa lahat.

Search This Blog