Sa Desyembre ngayon 2019 ay ang nalalapit na pagbubukas ng
isang Departamento ng Gobyerno ng Pilipinas para sa mga Overseas Filipino
Workers (OFW) ito ay ang OFW Department para sa mga Landbase Workers at Seabase
Workers o sa mga trabahador na legal na nagtatrabaho sa ibang bansa o di kaya
illegal na dapat iligtas ng gobyerno.
Ayon sa Balita ngayon July 15, inihayag ni Presidente
Rodrigo Duterte ang pag oorganisa ng Departamentong OFW at magbubukas sa
serbisyo simula ngayon December. Ang mga OFW ay natutuwa sa ganitong
balita, ngunit malalaman lang natin ang kakayahan nito pag ito ay na implementa
na, kelangan maramdaman ng mga ofw ang ginhawa ng pagprosesso sa pag alis, pag
apply at paraan ng pagrerenew ng mga dokumento gaya ng balik manggagawa. Kelangan
ng mga nag aabroad ang mabilis na processo walang kalituhan at maayos na sistema sa pag
rerenew.
Sa ngayon kelangan ng mga OFW ang tulong sa mga pag asikaso ng kanilang mga benepisyo.
No comments:
Post a Comment