Mga kabayan, kahit na ang ating paliparan sa bansa ay masasabi nating mas safe na ngayon kumpara noon, kelangan parin nating mag ingat sa mga manloloka at masasamang loob, maraming tao sa airport at hindi maiiwasang may mabilang na masamang tao doon.
Eto ang mahahalagang tips para makaiwas sa abala at masamang loob:
- Huwag tatanggap ng kahit na ano mang padala o di kaya ride on sa bagahe mo, kahit na kanina, kahit na maganda o gwapo siya.
- Maging alerto sa mga donasyon na hinihingi o di kaya kuwento ng mga kababayan , minsan raket lang talaga.
- Palitan nga dollars, mas ok sa official bank exchange currency huwag sa tao na nakaabang.
- Pag isipan mabuti ang pag bili ng sim card o load mahal ang presyo.
- Sa byahe, huwag maglagay ng alahas o pera sa bagahe, tandaan lagi dapat itong hand carry.
- Laging mag tanong sa gwardya or assitance desk kung my kelangan o katanungan.
- Sa pagbaba ng sasakyan sa departure, sabihin agad sa porter kung kelangan mo sya at ang kanyang push cart, kung hindi naman kunin lang ang pushcart
- Sa porter, kelangan magbayad sa desk nila, pero nasasayo kung magbibigay ka pa ng tip na pera pagnahatid na ang bagahe mo, hindi dapat kapresyo ng serbisyo ang tip.
- Sa departure area, meron pong OFW lane, mas mabilis at maluwang.
- Sa loob ng airport siguraduhing dala lagi at nakatago ang boarding pass, meron mga gates na kelangan ng boarding pass gaya ng pagkakain ka sa jollibee o foodcourt pag baba mo sa terminal hahanapan ka ng boarding pass.
- Huwag na magdala ng tubig o payong. Bawal ito pagpasok.
- Bawal ang battery sa bagahe o di kaya sa hand carry.
- Pag my laptop o mamahaling electronic device ugaliing i hand carry.
- Ang mga liquid tulad ng alak ay bawal sa hand carry, kelangan sa bagahe sa loob ng bag. Kung makalusot man ito siguradon mawawala na sa desitnasyon mo.
Ilang lang po ito sa mga tips, kaya ingat nalang sa byahe.
No comments:
Post a Comment