MAGING bagong college graduate o datihang nagtatrabaho, tiyak na kapag nag-apply sa trabaho ay haharap ka sa job interview. Paraan kasi ito ng kumpanya para salain ang mga aplikante o tiyakin ang pasya. Nilikom ng mga eksperto ang 10 kalimitang itinatanong sa interview, at tips para sagutin ito (isinalin mula sa LibGig website):
- Paano ka i-describe ng mga kasamahan mo? Maghanda ng maikling sagot na hindi halatang ni-rehearse -- maging totoo, pero huwag sobrang personal, at iakma sa inaaplayang trabaho.
- Ikuwento ang isang pagkabigo, at paano ito hinarap. Hindi puwede iwasan ito. Kabulaanan sabihin, "Hindi pa ako sumasablay." Ikuwento ang isa o pinagsama-samang ehemplo, at ang ginawa mong solusyon.
- Paano kung salungat ka sa iyong manager? Mahalagang tanong ito. Huwag manira ng datihang boss. Ikuwento ang tunay na pangyayari at mabuting kinahi-natnan. Ipakita ang kagalingan bilang team player.
- Ano ang dream job mo? Maging totoo at malikhain; huwag basta idikit sa inaaplayang posisyon. Ipaalam ang lihim na inaasam.
- Bakit nais mo magtrabaho rito? Dito ipakita na pinaghandaan mo ang panayam kaya sinaliksik mo ang kumpanya. Ipadamang ganado ka.
- Bakit ka namin tatanggapin? Ilahad ang iyong mga katangian: sipag, tiyaga, malikhain o mapagsuring isip, motibasyon, atbp.
- Ano'ng hangad mong sahod? Magbigay ng range imbis eksaktong halaga, lalo na kung in-advertise nila ito. Aminin ang dating sahod.
- Ano'ng pinaka-malaki mong nagawa? Iakma ito sa inaaplayan mo.
- Ano'ng trabaho ka nasiyahan? Sagutin nang interesante at akma.
- Meron ka'ng tanong sa akin? Itanong mo kung meron transition o orientation bago magsimula sa trabaho, o kelan ka nila tatawagan.
Reference: Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon)
No comments:
Post a Comment