Sa mga OFW na nanganga ilangan ng trabaho sa ibang bansa.
Hindi masyadong kumplekado ang pag gawa ng CV o di kaya Bio Data. Kapag ikaw ay
pupunta ng agency upang mag hanap ng trabaho sa ibang bansa, ang una nilang
ipapagawa sayo ay mag fill up ng form na biodata na may malinaw na format ayon
sa kanilang Sistema.
Bukod sa pag fill up ng form importante parin na ma
isubmit mo ang iyong resume / bio data o di kaya CV. Ito kasi ang pagbabasihan
ng agency o di kaya ng employer tungkol sa iyong credentials, gaya ng
certificates, school diploma base sa nakasulat sa iyong experience.
Sa panahon ngayon ang Resume o CV o Bio Data ay hindi
kenakailangang komplekado, ang importante ay nakalagay ang mga importanteng
impormasyon tungkol sayo. Ang mga halimbawa ng impormasyon na kelangan ng
employer at agency ay:
Name / Pangalan
Age / Edad
Se-x / Kasarian
Height / Tangkad
Weight / Bigat
Marital Satus / May asawa o wala
Contact Detail: Email / Cellphone No. / Telepono /
Facebook Account Langauge / Salitang
Nabibigkas Edukasyon Experience sa Trabaho
Kakaibang Kakayahan (Skills) Mga Certifications (Tulad ng Tesda)
Sa mga kumpanyang kelangan ng professional na trabahador
ay mas maiksi ang kelangangang detalye ngunit mas maraming certificate ang
kelangan maibigay upang mapatunayan ang kanilang professional na experience, at
kadalasan 80% ng pag tanggap sa professional applicant ay base sa interview.
Maraming mga Format ready made CV / Biodata na mabibili
sa tindahan, ngunit iba padin ang dating ng mga CV kapag ito ay kakaiba dahil
ito ay kumakatawan sa iyong personalidad, kapag ang iyong document CV/Resume o
Biodata ay mas detalyado at malinis (walang tapon ng kape), makulay at simple,
siguradong mas angat ka sa ibang aplikante dahil mas kapansin pansin ang iyong
papel sa mga nakatambak na sandamakmak na document ng applicante.
Ang pagiging aplicante para mag apply ng overseas jobs ay
hindi mabilisan, kelangan din masuri ang iyong kalusugan at mentalidad.
No comments:
Post a Comment