Friday, July 28, 2017

Paano makakakuha ng OEC Excemption at mahalagang Bagay na dapat malaman


Ang OEC excemption ay madali pong makuha, ito po ay libre at di tulad ng dati magbabayad ng 100 pesos para magkaroon ng OEC. Subalit, isa lang pong paalala kelangan po ay naka rehistro muna kayo sa BM online at nakapagrenew ng OEC noon gamit ang BM Online, dahil kapag hindi kelangan nyo padin magbayad ng 100pesos para sa panimulang transaction at sa mga susunod nyong renewal ay wala nang bayad, ang importante po ay nakapagrenew kayo online noon simula. Sa Mga Baguhan or first time magrerenew gamit ang BM ONline or mga bagong balik manggagawa o di kaya first time, ito ang mahalagang bagay na mga gagawin.
  1. Mag register ng appointment sa BM Online (pano ito: mag internet at pumunta sa website ng Balikmanggagawa bmonline.ph, kahit isearch sa google ay makikita nyo ito.
  2. Mas mainam na kung nasa abroad pa kayo o di kaya pauwi palang ng pinas ay nakapag paapointment na, minsan kasi wala nang oras pagumuuwi pa ng probinsya at minsan wala nang pera para lumuwas inuubos na sa inom at kung ano pang bagay, tandaan kelangan unahin muna ang mga babayarin bago ang kasiyahan sa paguwi.
  3. Bago umuwi at kapag my appointment na (oo nga pala pwede kayong pumili ng lugar kung saan kayo magpprocess - kahit sa probinsya meron) ihanda ang mga xerox copies ng passport, dating oec, dating pagibig na resibo, dating philhealth na resibo at dating OWWA Certificate.
  4. Kapag nakabayad na ng 100pesos kelangan nyo ibigay ang email address ninyo para doon ipapadala ang inyong electronic na oec at pwede nyo itong iprint.
  5. Kapag nakakuha na nito pwede na kayong mag punta ulit sa internet sa bm online at i click ang oec excemption. Pagkatapos makikita ninyo ang confirmation number.
  6. E print screen ang confirmation number, (pindutin ang print screen at magopen ng paint at pumunta sa edit at paste, o di kaya mag open ng microsoft word at pinduting ang edit at paste.
  7. ipaprint ito at dalhin pagpumunta ng ng airport.
  8. Ang pinakamabilis na paraan para hindi na mag print screen, kapag lumabas ang confirmation number na excemption sa computer screen, picturan naalng ito gamit ang cellphone mo. Pwede na itong ipakita sa immigration.
Sa mga datihang balik manggagawa:
  1. Mas madali ang paraan para ma excempt
  2. Pumunta lang sa website ng bm online at log-in gamit ang inyong dating email id.
  3. Kapag nakapasok na or log in na sa inyong account, pindutin nalang ang oec excemption, paglumabas na ang confirmation number iprint screen at paste sa microsoft word at iprint, o di kaya picturan nalang ito gamit ang inyong cellphon.
(Kapag datihan na at hindi pa nakapagparehistro sa BM online, kelangan magpaapointment sa at OEC renewal, magbabayad padin kayo ng 100pesos para makakuha ng excepmtion.)

Mga paalala: ang philhealth po ay hindi pwersahang kelangan bayaran para makakuha ng excemption or oec, ganun nadin ang pag-ibig, bahala po kayo kung bayaran nyo o hindi, pero mas mabuti para sa inyo kung bayaran ninyo para my makuha man lang kapag nawalan na ng trabaho sa abroad or tapos na ang kontrata.
Ang OWWA po ay ibang document, hindi po ito ang OEC, ang OWWA po ay kelangan padin bayaran, ngunit ito ay tuwing dalawang taon, kung sa paguwi ninyo ay expire na, so kelangan nyo itong bayaran, 1,200 pesos ito.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog