Bilang isang manggagawa sa abroad, hinahanap hanap ko ang liwanag ng palubog na araw dito sa ibang bansa, di ko ito natatanaw na katulad ng sa Pilipinas. Sa Ibang bansa ay mainit minsan naman ay malamig. Ito ang tintatawag nating homesickness, lalo na kapag sa hapon tapos nang magsiga ng mga kalat ng dahon si inay o si ate, maamoy mo ang usok at mga pinapausukang puno ng mangga at ganon narin para hindi dumami at mamatay ang mga malalaking lamok.
Kapag ako ay nagbabakasyon sinusubukan kong makarating sa mataas na bundok sa probinsya upang matanaw ang ganitong sitwasyon, nakakagaan ng pakiramdam, parang nawala ang pagod ko sa ilang taong nagtratrabaho at nakikisama sa ibang bansa. Iba parin talaga ang simoy at liwanag ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment