POEA or Philippine Overseas Employment Administration ay
nakatanggap ng balita na ang ibang Japanese Training Language ay naniningil ng
Bayad or Fee sa mga Nagaaply na OFW (Overseas Filipino Workers). Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration ito ay libre at hindi dapat sinisingil ang mga aplikanteng OFW papuntang Japan.
Ang Programang TITP (Technical Internship Training
Program) na may kasunduan ng Japan at POEA na naglalayong walang bayad sa
training, bagkus ang lahat ng bayarin sa mga processos at training ay dapat na
babayaran ng Employer sa Japan. Ang mga aplikanteng OFW na sasabak sa training
ay hindi dapat magbayad sa Language traning sapagkat ito ay babayaran din ng
Employer sa kanila, na ang kahulugan ay dodoble ang kita ng Language Traning or
nga Agency dahil naningil na ito sa OFW. It ay isang malinaw na pandaraya o
paglabag ng employment agency or ng Langauage traning sa kasunduan.
Ang Kasunduan po ng Japan at Philippines sa OFW training ay libre, meron pong ibang agency hindi nila controlado ang mga gastusin kaya kelangan mag bayad sila, ngunit sa kasunduan ng fly now pay later, hindi parin po kelangan magbayad ang ofw, bagkus ito ay may buwanang kaltas sa sweldo kapag nakapagumpisa nang magtrabaho.
Para po makaiwas sa bayarin kelangan komunsulta sa POEA bago tumanggap ng offer mag process galing sa Agency.