MANILA, Philippines - Mangangalap at magsasanay ng may
100,000 construction workers ang Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA) sa buong bansa kaugnay sa "Build, Build, Build"
program ni President Duterte.
Ang proyektong ito ay inilunsad ni TESDA Director General
Guiling "Gene" Mamondiong sa idinaos na National Integration
Scholarship Program (NISP) Forum sa Butuan City.
Ang mga sasanaying mga construction workers ay magmumula
sa grupo ng mga indigenous peoples (IPs), mahihirap at rebel returnees sa buong bansa.
Ayon sa TESDA chief, ang magsisipagtapos ay kukunin para
tumulong sa pagpapatayo at pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, gusali at iba
pang mga infrastructure projets ng gobyerno.
Aniya, ang "ambitious bridge projects" ng
Duterte administrasyon na mag-uugnay sa mga lalawigan ng Negros Oriental, Cebu,
Bohol at Leyte ay kabilang sa Build, Build, Build program para gawin ang mga
island provinces na madaling marating sa pamamagitan ng land travel.
Ayon sa TESDA chief, ang mga infrastructure projects ng
gobyerno ay makakatulong sa pagbibigay ng mga bagong trabaho para sa mga
mamayan. Aniya, tatanggap sila ng mga
aplikante para sanayin mula sa mga mahihirap na sector.