Kung sino pa kasi ung mga skilled yun pa ung mga sobrang magastos at mahilig sa mga materyales na mga mahal. Ito ang sabi ng ibang mga pinoy na tumagal nadin sa Saudi, ika nga ganun din daw sila noon kaya mas lalo silang nagtatagal sa gitnang silangan.
Ang mga pinoy kasi habang my pera eh gastos lang hanggang maubos, at kapag wala na, maguumpisa nang mangutang, ewan nga ba natin kung bakit tayo ganoon. Alam naman ng lahat na control lang sa sarili ang kelangan, pero minsan magagalaw mo talaga kahit kelangan mo ung pera.
Ang mga pinoy ay maramin gusto sa buhay, bukod syempre doon ang pagpapaligaya sa ating mga minamahal sa Pilipinas sa pamamagitan ng padala ng pera, kahit na alam natin na pang kain nalang natin eh kelangan pang ipadala, nakaka wala nga daw naman kasi ng lungkot at worries, pero totoo nga ba? Bakit nga ba kapag nagpadala ka kelangan mo pang itanong kung natanggap na nila ung pera?, eh di ba dapat mag sms or txt manlang sayo or pm sa facebook na natanggap na, o di kaya siguro sobrang busy na mula nung natanggap ang pero nandon na kasi sa mall or restaurant, uubusin nadin ung pinadala mo, makakatanggap ka nalang ng message pag ubos na at pag naholdap daw sila.
Sa ating mga ofws, kelangan talaga natin sa ngayon hindi lang disiplina sa gastos kundi pati nadin ang madala sa mga nakaraaang pangyayaring kahirapan sa buhay. Isipin nalang natin na babalik ulit tayo sa dating anyong walang pambili ng mantika kapag hindi natin inayos ang sitwasyon ngayon, kalangan pa bang maramdaman mo ulit ang sobrang sakit sa dibdib na naluluha ok nalulungkot ang anak mo pagdaan nyo sa jollibee at wala kang pambili?. Nagsimba nga kayo pero malungkot naman ang anak mo at pamilya mo.
Kelangan nating gisingin ang ating mga sarili, huwag magpadala sa ating pagnanasa sa materyal na bagay, tulad ng cellphone na iphone 6s plus, sony stereo component base boost , mac notes, ipad pro, samsung galaxy s7, samsung smart tv 49inches, 21k gold necklace at marami pang iba na gusto ko din..
Sa pagpapadala naman eh wala tayon problema kelangan lang eh matugunan ang gastos sa pagaaral ng mga bata at pangangailangan ng pamilya, mas maayos kung ung basic needs na kelangan lang ayun sa pangako natin sa asawa (food, clothing and shelter). Alam naman natin na masaya tayo pag nabibigyan ang pamilya kelangan lang talaga magkaroon tayo ng limit. UNang una iwasan natin ang pagsusugal.
Sa sugal pag asa lang ang meron tayo, pero ung manalo ka araw araw ay hindi mangyayari yon, mas marami kapa nga daw na makikitang alien kesa manalo ka araw araw, mas marami padin ang talo.
Magising na tayo mga kapwa ofw, umpisahan mo na ngayon.., huwag ka kayang kumain, tapos ung pera natipid mo eh isugal mo ulit...