Thursday, October 2, 2014

Manila Bay

Sadyang napakaitim talaga ng tubig sa Manila Bay, kahit naman noong bata pa ako kapag kami ay nagagawi sa Roxas Boulevard eh talagang maitim na ito. Ang pagkakaiba lang ngayon ay may halo na syang basura.


Ngayong taon ang huling pasyal ko sa Manila Bay at mukha namang wala gaanong lumulutang na basura, pero sabi ng nakausap ko, eh nalubog daw sa ilalaim at kapag my bagyo eto ay hinahampas ng alon papaitaas at minsan naitatapon pabalik sa pampang. Ang pinagtataka ko lang sa mga taong nakatira sa Manila eh bakit hindi sila marunong magtapon ng mga kanilang basura sa tamang lugar, ung iba iwas pusoy naman at my binabayaran daw sila para itapon ang kanilang mga basura, pero sa tingin ko responsibilidad parin nilang malaman kung saan tinatapon ang mga basura nila.

Search This Blog