Tuesday, July 22, 2014

Alfonso 25 (Alak)

Sa mga ofw na manginginom katulad ko ang Alfonso 25 ay hindi mabibili sa mga local department stores, kung kayo ay balik bayan mabibili nyo ito sa mga Duty Free shops kahit sa Cebu ay meron.


Swabe ang lasa pero medjo mas matapang kumpara sa mga unang labas ng Alfonso tulad ng Alfonso 13. Merong mga kuro kuro na ang Alfonso Brandy daw ay peke. Hindi po totoo yon, ito po ay urig, ngunt marami pong namemeke, kapag ang alfonso ay nabili ninyo sa local market at hindi sa mga authorized department stores, baliktarin lamang ang bote, kapag wala kayon nakitang ni isang bula eto ay peke. Ganon din ang pagtukoy sa mga peke na black label.

Sunday, July 20, 2014

Redhorse Beer

Bakit hindi maalis sa isip natin ang Redhorse Beer. Sa aking sariling pananaw kapag ikaw ay may matinding karanasan sa isang bagay ay talaga namang hindi natin makaklimutan, katulad ng matinding pagususka, paguwi ng walang pera at madumi. Minsan sa inuman o mga karanasan na ganito ay nagiging leksyon sa atin.


Tulad ko, mula nung naranasan kong umuwi na parang basang sisiw ay isinumpa ko na ang pag inom ng Redhorse beer, kaya minsan tikim tikim nalang., kapag naamoy ko na ang kalawang sa aking ilong tigil na dahil siguradong matindi na naman ang hang over.

Sya nga pala sa mga manginginom na tulad ko, alam nyo ba ang gamot sa hangover, simple lang antabayanan nyo.

Thursday, July 10, 2014

Langit ng Pilipinas


Kapag namimiss ko ang bansang Pilipinas, tintingnan ko lang ang larawang na kalangitan. Nakakapang relax at parang nararamdaman ko nadin ang simoy ng hangin sa kahapunan habang ikaw ay nakahiga sa duyan at kumakain ng hilaw na mangga o di kaya dalanghita.


Bihira ang larawan ng langit ng pinas, dahil dito sa ibang bansa medjo my kalabuan ang langit lalo na na sa middle east, madalas mag sandstorm at kung winter naman ay foggy.

Naalala ko ang kalangitan sa Pilipnas na maaliwalas at minsan din ay medjo madilim at parang uulan, doon mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin lalo't kapag ikaw ay nasa probinsya.

Tuesday, July 8, 2014

Sariwang Hangin sa Probinsya

Minsan nakaka homesick talaga ang sariwang hangin at larawan ng probinsya. Kaya kapag ako ay umuuwi sa pinas lagi akong dumadalaw sa probinsya, doon sariwa ang hangin, masarap makipagkwentuhan sa mga kaibigan at lalo na mas masarap makipaginuman.



Ito lang ang oras para makapag unwind sa mga dinaranas na kalungkutan ng ofw sa ibang bansa, masarap talaga ang mamuhay sa pilipinas lalo na kapag ikaw ang my pera, ngunit kapa butas ang bulsa ng isang ofw mukha karing basang sisiw. Minsan naisip ko mas ok panga kapag hindi ako nagttrabaho sa overseas, dahil mas marami kang makikitang totoong kaibigan.

Kapag ikaw ay ofw at magbabakasyon sa pinas dumadami ang kaibigan mo, maraming nananamantala at marami ring gustong manggulang, hindi nila alam ang hirap na dinadanas ng mga ofw sa ibang bansa at paguwi sa pinas akala nila eh mayaman na.

Monday, July 7, 2014

Mabini Street, Malate Manila

Kung ikaw ay pinoy at mahilig sa gigs, siguradong hindi ka magsisisi kapag napasyal ka sa mabini street. Dito pagsapit ng alas sais ng hapon simula na ang good time. Masasabi kong safe naman ang lugar dahil sa maraming romorondang pulis at bukod doon ung iba naka scooter na pulis, marami kang makikitang foreigners at libangang bar.



Minsan tumambay ako sa harap ng isang hotel na aking tinutuluyan dito sa mabini at napapansin ko ang mga foreigner na lalaki at at ease na at ease, minsan my mga kasamang pokpok. Karaniwan nang nakikita ang mga ganon sa mabini minsan pa mga lasing na naglalakad at ung iba sumusuka sa kalsada.

Pag binaybay mo ang kahabaan ng mabini street malilibang ka talaga, ung ibang bars my kanya kanyang pakulo lalo na kapag weekends, marami rin silang mga promo package na drinks with pulutan.

Sa araw naman ang mabini ay tahimik ngunit marami karing makikitang foreigner usually family foreigners na naglalakad at nagtotour.

Search This Blog